Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG Sec Año pinabakasyon ng doktor

0 76

Hindi muna magtatrabaho si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil pinayuhan ito ng kanyang doktor na magbakasyon muna hanggang katapusan ng Enero ngayong taon.

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, nagsimula ang bakasyon ni Año kahapon at magtatagal hanggang Enero 31.

Sinabi ni Malaya na pinayuhan ng kanyang mga doktor si Año, na isang COVID-19 survivor, na mag-slow down at umiwas muna sa mga aktibidad na nakaka-stress.

Aniya, simula kasi nang gumaling si Año mula sa COVID-19 ay agad itong bumalik sa trabaho at hindi man lang naisipang magpahinga kahit pa weekend holiday. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.