Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG sisilipin ‘mass gathering’ ni Pacquiao

0 103

Hinihintay ni DILG Secretary Eduardo Año ang report ng pulisya kaugnay sa mass gathering sa Balayan, Batangas matapos bumisita si Senador Manny Pacquiao na dinumog umano ng mga tao sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sinabi sa Laging Handa press briefing ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nais malaman ni Año ang detalye para matukoy kung mayroong naganap na paglabag sa quarantine protocols.

“Hinihintay pa rin po natin ‘yung report mula sa Batangas Provincial Police Office at doon sa police station na mayroong kinalaman, na may jurisdiction sa nasabing insidente,” ani Malaya.

“Ang natanggap lang po namin kasing ay raw report lamang at ang hiningi po ni Secretary Año sa ating kapulisan is a more detailed report so that we can act accordingly,” dagdag niya.

Sa ginawang pagbisita ng presidentiable ay namudmod umano ito ng pera sa mga taga-Balayan subalit ikinatwirang hindi ito pamimili ng boto. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.