Abante Tonite Interactive

Dimaculangan, Petron sinalya ang Sta. Lucia

233

Winalis ng Petron Blaze Spikers sa tatlong set ang Sta. Lucia Lady Realtors 25-12, 25-16, 25-17 kagabi upang palakasin ang kapit sa second spot ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Alonte Sports Center sa Biñan City.

Nilista ng Blaze Spikers ang 6-1 record matapos magtulungan sina Rhea Dimaculangan at Remy Palma para ilista ang four-game winning streak.
Ayon kay Dimaculangan, alam nilang kulang pa ang ipinapakitang tikas pero unti-unti nang bumabalik ang dati nilang laro.

“Every game iba ang kalaban kaya dapat ma-ging consistent ang mga laro namin para maabot namin ‘yung goal namin ngayong conference,” saad ni Palma.

Nagtala si Dimaculangan ng tatlong service aces at 17 excellent sets habang nag-ambag si Palma ng limang attacks at tatlong blocks para sa Petron.

Nalasap naman ng Lady Realtors ang pang-anim na talo sa pitong laro. (Elech Dawa)