Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dimaunahan may palibre sa mga netizen

0 48

Libre turo!

Hindi pinagdamot ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball star Christiana Gabrielle Dimaunahan ang astig na talento nang maghandog ng libreng basketball training via online.

Ibinahagi Lunes ng reigning UAAP six-peat champion National University Lady Bulldog member sa kanyang Instagram story na tuwing Martes, Huwebes at Sabado’y may free virtual training siya para sa mga netizen na sumusubaybay sa kanyang social media app na Kumu.

“Live dribbling tutorial. Get better with Christiana Gabrielle Dimaunahan every TThS (Tuesday-Thursday-Saturday) 8-9 pm,” saad ng 19 na taong-gulang at sophomore cager sa kanyang poster.

Magandang gimik naman ito dahil bukod sa nag-eenjoy na siya ay nahahasa pa ang kanyang talento sa basketbol kahit kinansela ang 82nd-83rd UAAP 2020-21 dahil sa Covid-19. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.