Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dimaunahan ‘nag-init’

0 82

#StopTheKillings!

Ito ang sigaw ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball star Christiana Gabrielle Dimaunahan sa pagpaslang ng ‘Killer Cop’ na si Jonel Nuezca sa kaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

‘Di na nakontrol ng 19-year-old incoming National University Lady Bulldogs sophomore ang emosyong ‘mag-init’ sa pulis nang i-post din niya sa social media ang walang awang pagpatay sa isang 52-anyos na ina at 25-taon nitong anak na lalaki na may asawa’t isang anak nitong Linggo.

“What we have all seen is just another crime caught on camera,” bulalas ng panganay ni former Philippine Basketball Association (PBA) player-coach Ariesteo Dimaunahan.

“Imagine how many more dead bodies have been left without justice because no eye-witnesses were around to tell their stories. #Justice for Gregorio family #Stop the killings,” giit pa ng miyembro ng six-peat UAAP champs Lady Bulldogs. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.