Abante Tonite Interactive

Dimples naghamon para i-level up ang Kapaskuhan

375

May pinaniniwalaang tradisyon si Dimples Romana, pinakabagong brand ambassador for CDO Premium Holiday Ham, tuwing Noche Buena.

“Hindi buo ang Christmas handa namin kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham. ‘Yung salo-salo na sama-sama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there.”

Bahagi na raw ito ng kanyang kinalakihan. Patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya.

Kung titingnan ang kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena.

“We make it a point that no matter how busy we are [to be together],” sabi ni Dimples.

Sa katunayan, taon-taon daw ang sinisiguro nila na may tema pa ang kanilang pagdiriwang sa Noche Buena.

“Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago, ‘yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”

Hindi rin daw masyadong mapili si Dimples pagdating sa kung anong ibibigay niya sa kanyang pamilya.

Kung siya ang papipiliin, pasok na pasok daw sa panlasa ni Dimples ang smoky flavor na may pineapply sweetness flavor. Gawa ito sa malambot na karne mula sa pigi ng baboy. Ito ang pinakamainam na karne para sa paggawa ng ham; at siguradong walang halong anumang extender.

Bukod pa rito, siguradong ASF-safe ito dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier! Para sa katulad ni Dimples na maalam sa kusina, labis niyang ikinatuwa nang malaman niyang pina-level up pa ang CDO Premium Holiday Ham dahil mas marami na itong pineapple glaze!

Dagdag pa ng aktres, na certified foodie rin, “Hindi ko alam if it’s the Kapampangan in me, bukod sa masarap akong magluto, masarap din akong kumain.

“Iba kasi kapag ine-enjoy mo talaga. It shows how passionate you are about things. Not only for food but for life. Alam mong ine-enjoy mo ang buhay mo at kumakain ka ng gusto mong kainin at nasi-share mo sa pamilya mo.”

Romana ‘di nawasak sa maagang pag-aasawa

Hindi basehan ang maagang pag-aasawa na masisira na rin ang future. Buhay na halimbawa ay sina Dimples Romana at Jodi Sta. Maria. Mas lalo silang nagka-career at sumikat nu’ng maging nanay na sila. Madiskarte, maganda ang image at magagaling kasing artista.

Pareho silang mabenta sa teleserye, pelikula at maging sa mga endorsement.

Inaani ngayon ni Dimples ang pagsikat niya bilang ‘Daniela’ ng “Kadenang Ginto”.

Kamakailan ay inilunsad din siya bilang ambassador ng beauty and wellness products na Skin Magical.

Inamin niya na marami siyang pimples noon habang ginagawa ang seryeng “Kay Tagal Kang Hinintay” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

“Oh my God, ‘yung pimple ko parang ‘pag tumubo sa admiral talaga. ‘Yung sa ilong, dito, dito sa gilid. Mako-connect the dots mo!” balik-tanaw ng aktres.

Dapat daw ay triple na ang pag-aalaga sa hitsura lalo’t uso na ang social media.

“‘Pag nakita ka nila sa TV, nakita nila ang pimple mo, hanggang ngayon makikita nila kasi may YouTube na. So imagine mo parang na-immortalize na ‘yung pimple mo. ‘Yung pimple mo na 16 years old ka, hanggang ngayon puwede nilang pag-usapan,” sambit niya.

Dahil dito, swak kay Dimples ang pagiging endorser ng skin care brand na Skin Magical para sa kanilang “Gandang Palaban” campaign.

Makikipag-bonding ang cast ng “The Gift” sa “Sarap Di Ba?!”

May inihandang special dish si Jo Berry na puwedeng subukang gawin sa bahay ngayong Christmas season.

Ibabahagi naman ni Elizabeth Oropesa ang kanyang paranormal experiences.

Kilalanin din ang Happy Nanay na nagpalaki sa world gymnastics champion na si Carlos Yulo. Alamin ang kanilang inspiring story sa “Sarap Di Ba?!” bago mag-“Eat Bulaga”.