Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dinampot sa curfew, niluray ni tinyente

0 375

Iniimbestigahan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang deputy chief of police ng San Miguel, Bulacan na nireklamo ng panggagahasa sa 24-anyos na babae na hinuli sa paglabag sa curfew.

Kinilala ang iniimbestigahang opisyal na si Police Lt. Jimmy Fegcan, 41. Ayon kay PNP-IAS chief Inspector General Atty Alfegar Triambulo, inireklamo si Fegcan ng biktima na sadyang hindi inilabas ang pangalan.

Inaresto umano ang biktima sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan dakong alas-dos Miyerkoles ng madaling-araw. Dinala naman ang babae sa istasyon ng pulisya para sa profiling at matapos nito ay sinabihan umano siya ni Fegcan na magpahinga muna sa kanyang barracks.

SM food to go Banner Ad

Sa reklamo ng biktima, natutulong umano siya nang lapitan ng nakahubad na hepe, na agad umanong dinakma ang kanyang dibdib. Hinubaran umano ng pulis saka sinimulang gahasain.

Matapos ang umano’y panggagahasa ay inutusan ng pulis ang biktima na magsuot ng damit at ipinahatid ito sa kanilang bahay. Kinaumagahan ng Miyerkoles ay bumalik ang biktima sa istasyon ng pulisya upang ireklamo ang nasabing pulis.

Ayon kay Triambulo, sa ngayon ay nasa restrictive custody na si Fegcan para sa gagawing imbestigasyon habang inihahanda naman ang kasong rape laban dito na isasampa ng biktima sa Bulacan provincial prosecutors office.

Samantala agad namang sinibak ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brig General Valeriano De Leon sa kanyang puwesto si Fegcan para sa gagawing imbestigasyon hinggil sa akusasyon sa kanya. (Edwin Balasa/Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.