Abante Tonite Interactive

Dinamulag Mango Festival sa Zambales sumikad na

Hangad ay mas masaganang ani, kaunlaran

550

IBA, Zambales — Nagsimula na ang Dinamulag Mango Festival 2019, ang pinakaaabangan at pinakamakulay na selebrasyon sa Zambales, nitong Lunes bilang hudyat ng isang buwan na pasasalamat para sa masaganang ani at pag-unlad ng ekonomiya noong nakaraang taon.

Ayon kay Zambales Governor Atty. Amor Deloso, habang nagpapasalamat ang lalawigan sa magandang ani ng pinakamatamis na mangga noong nakaraang taon, isa rin ­aniya itong magandang pagkakataon para sa mara­ming socio-economic programs na naisakatuparan ng kanyang administrasyon.

“Let us not forget the many accomplishments of this administration in the last year that boost the socio-economic status of Zambaleños. It is only right to celebrate and thank our Creator,” pahayag ni Deloso sa pagbubukas ng kapiyestahan.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang sa mga itatampok sa Dinamulag Festival ang Search for 2019 Bb. Zambales at Ginoong Millennial Zambales presentation and talent night sa Marso 16; Sambaliwanag Float Parade and competition sa Marso 23 ganap na alas-5:00 ng hapon; Zambalye Street Dancing Parade and Showdown sa Marso 28 ganap na alas-4:00 PM; at ang Binibining Zambales 2019 Coronation Night and Fireworks Displays sa Marso 30 eksaktong 6:00PM.

Magsasagawa rin ng araw-araw na Parayawan Agri-Tourism Showcase and Trade Fair; Likhang Buhangin (Sand Sculpting) Competition (6:00 AM/Marso 14/ Monte Carlo Beach Front, Iba); at iba pang sports and environment-related competitions.

Maaari namang manood ang mga mahihilig sa pagkain at pagluluto ng Zambales Cooking Challenge sa Marso 15 ganap na alas-7:00 PM upang malasap ang Zambal delicacies o lumahok sa Bayle Ballroomista AKA Seniors’ Night (7:00 PM/Marso 17).

Gusto mo ba ng flairtending? Kung gayon, dapat mong panoorin ang Battle of Champions, Open Flairtending Competition (7:00 PM/Marso 21).

Kung nais mo namang masiyahan, magtungo ka sa SAMZA Music Festival Vol. 2 (5:00 PM/Marso 13); Musikalikasan Beach Mardi Gras (8:00 PM/Marso 22/Bangan Talinga Beach, Iba); Green Fashion Show (6:00 PM/Marso 29); Lakbaycycle Tour (5:00 AM/Marso 30) at marami pang iba.

“Zambales is one of the popular summer destinations not only because it is blessed with the clean and endless beaches, but also ­because of its sweet kinalabaw [dinamulag] mangoes,” sabi naman ni Zambales Vice Gov. Angel Magsaysay.

Ipinadama naman ni Rep. Cheryl Deloso-Montalla ng 2nd ­district ng Zambales ang kanyang kaligayahan sa matagumpay na pagbubukas ng kapiyestahan.

“I have always been proud of the province of Zambales and I always say that our province is the most beautiful province in the country because we are beautifully sandwiched by mountains and sea,” ani Montalla.

Ipinabatid ni Atty. Izelle Deloso, festival chair, na higit pang na­ging kapana-panabik ang taunang kasayahan dahil sa napaganda pa nila ang pagsasagawa ng Bb. Zambales at Ginoong Millennials.

“Let’s keep the excitement going for the future staging of our festival because we will be more glamorous than the other festivals. For now, let’s give our best and show everyone that we have not only the sweetest mango but the greatest love for God and our province,” pagwawakas ng batang abogada.