Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dinapuan ng COVID sa Kamara, 18 na

0 305

Isang empleyado naman ngayon mula sa Bills & Index Service ng Kamara ang nadagdag sa bilang ng mga empleyado ng Kapulungan na nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni House SecGen. Jose Luis Montales.

Huling nagtungo umano sa opisina ang naturang kawani noong Hunyo 29 para magsumite ng ilang dokumento.

Dahil dito, pumalo na sa labing walong empleyado ng kapulungan ang nagpositibo sa virus. (Eralyn Corvera Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.