Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dindin balik na sa mommy duty

0 112

Doble ligaya ang nararamdaman ni Chery Tiggo Crossovers star Dindin Santiago-Manabat dahil kasama na ulit nito ang kanyang pamilya matapos masungkit ang kampeonato sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference.

Ibinahagi ni Santiago-Manabat na sobrang saya ng kanyang unica hija na si Chloe nang makasama na muli ang mga ito matapos ang ilang buwan na pagkakalayo.

“Sobrang happy niya kasi parang everytime na gigising siya, nagugulat siya na ‘mommy andito ka na’. Kasi ‘yung four months na nawalay ako sa kanya, lagi nyang sinasabi na nami-miss na nga niya ako and ngayon everytime, after online class niya, paglalabas na siya ng room niya nakikita na niya ako na ‘mommy nandito ka na talaga sa bahay’, ” kwento ni Santiago-Manabat sa “The Game” ng One Sports.

Related Posts

“Parang lagi niya ring sinasabi na parang happy family na kami kasi nakauwi na ako,” lahad ng 6-foot-1 open hitter. “Siinasabi pa niya na wala munang volleyball, parang mag-focus lang daw muna ako sa kanya.”

Matagumpay na pinabagsak ng Chery Tiggo ang Creamline Cool Smashers upang masungkit ang kampeonato.

Nagsanib-puwersa para sa Game 3 finals sina Santiago-Manabat at league MVP Jaja Santiago ng 32 at 26 points, ayon sa pagkakabanggit, para makopo ang titulo ng Open Conference. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.