Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dindin ‘mommy mode’ sa anak

0 505

Titiisin at ibubuhos lahat ni Philippine SuperLiga (PSL) star Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat ang kanyang makakaya para sa kanyang unica hija ngayong binabagyo ang bansa.

Todo alaga ang Chery Tiggo Crossovers middle blocker/wing spiker sa kanyang anak na si Chloe Sapphire lalo pa’t isa rin ang Tanza, Cavite sa mga nawalan ng kuryente Huwebes.

“Magkakuryente na po sana” sambit ng 27-anyos, may taas na 6-2 na beteranang balibolista sa kanyang Instagram story.

Sey pa ni Santiago-Manabat para sa anak, “Mommy duty ubos na charge ng emergency lights at emergency fan so paypay mode na talaga para masarap ang tulog.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.