Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dindo swak sa pandemya ang musika

0 516

NI: ROLDAN CASTRO

Feel na feel namin ang bagong awitin ni Dindo Fernandez. Gamot ito sa depresyon dahil sa pinagdadaanan nating pandemya, siguradong maaaliw tayo.

Na-release na ang kanyang single na “Akala Ko”. Relate much siya sa kantang ito dahil base sa love story niya.

Ang batikang composer-singer na si Joel Mendoza ang kompositor ng kanta. Pinagtulungan din nilang dalawa ang lyrics.

Pagsasalarawan ni Dindo, “ ‘Akala ko’ tells a story of the ideal kind of love that everybody hoped does not change or fade and would last a lifetime. A story telling, a journey through one’s heart that giving up was not an option but an opportunity to find love again.”

Siya ay isang businessman na hilig talagang kumanta . Isa siyang civil engineer na pangarap din na maging recording artist.

Gusto ni Dindo na i-express ang kanyang journey sa buhay, pag-ibig, kabiguan at tagumpay sa kanyang gagawing CD Lite album.

Nu’ng December, 2019 ay nag-concert na rin siya sa Tia Belle’s Restaurant Batangas City. Ito’y pinamagatang “Dindo Fernandez, A Celebration of Life and Music”.

Paborito niya sina Gary Valenciano at Martin Nievera. Mahilig siya sa ballad.

Anyway, ang kanyang single na “Akala Mo” ay mapapakinggan sa Spotify,iTunes at mapapanood na sa YouTube.

Leave A Reply

Your email address will not be published.