Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dine-in, salon bawal na uli

0 354

Bawal na ulit ang dine-in sa mga restawran at sarado na uli ang mga barberya, salon, at mga spa sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Trade and Industry secretary Ramon Lopez na hindi na ulit bubuksan ang mga gym, review center, testing centers, at internet café, dahil sa pagbabalik sa MECQ na ginawa para magkapanahong palakasin ang contact tracing, testing, isolation, at paggagamot sa pandemic.

“We remain hopeful that this move back to MECQ will break the increasing trend of positive COVID-19 cases, and will eventually allow us to aid the Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) and bring back the much needed livelihood and jobs to many of our countrymen,” sabi ni Lopez. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.