Abante Tonite Interactive

Dinedma ang liquor ban, 3 estudyante timbog

324

Arestado ang tatlong estudyante at isang food attendant matapos na lumabag sa liquor ban na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng May 13 National and Local Elections, na idinaos kahapon sa bansa.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code ang mga suspek na sina Jhonson Gonzales, 40, food attendant; at mga estudyanteng sina Mark, Paolo at Patrick (‘di tunay na mga pangalan) at pawang mga menor-de-edad.

Ayon sa Malate Police Station 9 (PS-9) ng Manila Police District (MPD), alas-3:57 ng hapon nitong Linggo nang maaresto ang apat sa Zapanta St., Malate ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct kaugnay nang pinaigting na pagpapatrulya at istriktong implementasyon ng Liquor Ban, alinsunod sa midterm election.

Sinasabing naaktuhang nag-iinuman sa gilid ng kalsada ang apat kaya binitbit at dinala sa presinto. (Juliet de Loza-Cudia)