Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dinedma MECQ, 8 nag-party sa kalye dinakma

0 46

Dahil tila wala nang pakialam sa umiiral na community quarantine ay dinakip ng awtoridad ang walong kalalakihan na nagkasiyahan at nag-inuman sa Gen. Trias City, Cavite, Biyernes ng madaling-araw.

Kasong paglabag sa curfew, mass gathering, drinking liquor in public place, at alarm and scandal ang kinahaharap ng mga naarestong kalalakihan na sina Kenneth Bryan Tarong, Marco Quiñanola, Jose Louie Balbuena, Narciso Reyes, Christian Jayson Hernandez, John Michael Siron, Christian Edgar Emia, at Jonard Jhay Marquez na pawang nasa wastong edad at mga residente ng Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.

Sa ulat ni P/Cpl. Jhoncel Dayumat ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-dos kahapon ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang Pasong Camachile COMPAC mula sa isang concerned citizen na hindi makatulog dahil umano sa ingay ng mga kalalakihan sa Marycris Complex, Pasong Camachille 2 ng naturang lungsod.

Nang respondehan ng pulisya, naabutan ang mga kalalakihan na nag-uumpukan habang nagkakasiyahan at nag-iinuman sa kabila ng may pinaiiral na curfew sa lugar at nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Cavite. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.