Abante Tonite Interactive

Dinedma ni Michael V

Mystica kay Dingdong naman nagmakaawa

By
0 2,404

Talagang desperada na ang aktres na si Mystica. Matapos kasing ‘di umubra ang panawagan niya kay Michael V. na makasama sa comedy gag show na “Bubble Gang” ay kay Dingdong Dantes naman siya umaapela.
Gumawa ng Facebook live ang aktres at nanawagan sa aktor.
Muli rin siyang hu­mingi ng tulong sa mga netizen na tulungang makaabot ang mensahe niya kay Dingdong.
Aniya sa Facebook, “Please share to the whole universe! kung ayaw ni Michael V. na pansinin yung mga panawagan ko for me to continue in pursuing my comedic talent, then mag-switch na lang ako into drama so that I can grow as an actress in terms of doing some dramatic roles. So in connection with this, I am calling the attention of Dingdong Dantes since I have already worked with him before in some TV guestings as far as variety shows are concerned!
“Sana matulungan niya akong maipasali sa kanyang kinabibilangang bagong programa called ‘Cain at Abel’ at GMA7! – Mystica,  mas masama ang magutom o magnakaw kesa kumatok ng pinto upang makapagtrabaho sa kinagisnan kong trabaho sa mundo ng showbiz!
“Kung hindi man nabigyan ng pansin ang panawagan ko kay ­Michael V, then ‘it’s time to move on and knock at another door.’”
Samantala, wala pang reaksiyon ang ­aktor sa panawagan ni Mystica.