Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dinedma protocol, pulis-Olongapo sasampolan

0 112

Pananagutin ang isang pulis mula Olongapo City na napaulat na nag-organisa ng pagtitipon at sumuway sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya
, iimbestigahan at pagpapaliwanagin nila si PCpl Randy Baldero kung bakit hindi sumunod sa health protocols ng Inter Agency Task Force (IATF).

SM food to go Banner Ad

“Makakaasa ang publiko na papanagutin natin itong si Police Cpl. Baldero,” ayon kay Malaya, sa virtual press briefing nitong Sabado.

Sa larawan, maliwanag aniya dito na walang masks at face shield at walang social distancing sa ginanap na pagtitipon.

“Iimbestgahan po ‘yan ng ating kapulisan. Kailangan niyang magpaliwanag kung bakit hindi siya sumunod sa mga health protocols ng IATF,” giit pa ng DILG Usec. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.