Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dineklarang adult toy: P1.7M ecstasy, marijuana buking sa NAIA

0 210

Higit P1.7 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agancy (PDEA) sa Ninoy Aquino Interntional Airport (NAIA) sa ginawang random parcel profiling.

Unang nakuha ang aabot sa P894,000 halaga ng sangkap ng ecstasy na may timbang na 547 gramo, sa parcel sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road Pasay City. Dineklara itong regalo na pinadala ng isang Bram De Lang ng Adrian Van Bergenstraat 228,4811 SW Breda, Netherlands para kay Mark Lumanlan Chavez ng 2662 Park Avenue Mansion , Unit 1430, Pasay City.

Ang pangalawang parcel ay naglalaman ng 28 grams ng kush o high grade marijuana na may standard drug price na P44,800. Dineklara umano itong adult toy na walang shipper name mula sa 27 Welsh Row, Nantwich, Cheshire, United Kingdom at wala rin consignee name at may address sa 120 Harvard St., corner Stanford St., Provident Village, Brgy. Jesus Dela Pena, Marikina City.

Habang ang pangatlong parcel ay may lamang na 500 pirasong ecstasy na nagkakahalaga ng P850,000. Wala rin itong shipper’s name pero naka-consigned kay Ken Kenneth Rosales ng 2564 Tres Borces St., Mabolo, Cebu City. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.