Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong 1 buwan hiwalay sa pamilya

0 266

NI: ROLDAN CASTRO

Nagbabalik ang 2020 Seoul International Drama Awards Asian Star Prize at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa GMA Telebabad.

Kakaiba ang pasabog niya dahil for the very first time ay dual role ang mapapanood sa kanya sa “I Can See You: AlterNate.”

Gaganap siya bilang identical twins na sina Nate and Michael.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magsisimula ang episode niya sa nasabing miniseries sa January 10, 8:50 p.m.

“Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko talaga. Hindi lang siguro sa trabaho ko bilang artista pero sa buhay din in general dahil ang daming elemento na kaakibat ng experience na ito. Isa na diyan, first time ko na maka-experience ng mahabang lock-in taping and be away from my family for 30 days,” deklara ni Dingdong

“Plus, the fact na mahirap ‘yung role. Pero iyon din naman iyong hinihingi ko sa sarili ko kapag pumipili at nagko-commit ako sa isang bagay, ‘yung sana mas mahirap ‘to kaysa sa mga nagawa ko na in the past, in order to challenge myself as an actor. All other elements combined, yung hirap na ‘yun nag pay-off naman. Lumabas kami sa taping bubble nang very fulfilled dahil we were able to tell a compelling story in the context of a very challenging time,” dagdag pa niya.

Makakasama niya sa “I Can See You: AlterNate” sina Beauty Gonzalez , Jackie Lou Blanco , Joyce Ching at Ricky Davao. Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.