Abante Tonite Interactive

Dingdong-Anne wasak sa KathNiel

By
1,651

Patuloy na sinisira nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang record ng top grosser sa pelikulang Pilipino ngayong 2018.

As of September 2 umabot na ng P279,511,148.29 ang kita ng pelikula nilang ‘The Hows Of Us’.

Winasak na nila ang record ng ‘Sid & Aya’ nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na kumita ng P160,000,000.

Buhay na naman ang industriya dahil kumita rin ang ‘Miss Granny’ nina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim ng P100,000,000.

Nasa record din ng Wikipedia ang ibang pelikula na kumita ngayong 2018, ang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ – P100,000,000, ‘My Perfect You’ – P100,000,000, ‘Kasal’ – P100,000,000, ‘Never Not Love You’ – P92,000,000, ‘Meet Me in St. Gallen’ – P75,000,000 at ‘The Day After Valentine’s’ – P67,500,000.

Wala sa talaan ng Wikipedia ang kinita ng ‘I Love You, Hater’ nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Kris Aquino.
Magsisimula na rin ang TOFARM Film Festival sa September 12-18. May mag-hit kaya na mga entry.

Hinuhulaan din na ang posibleng sumira sa record ng KathNiel ngayon ay ang filmfest movie ni Vice Ganda o ang movie nina Coco Martin at Vic Sotto sa December.