Abante Tonite Interactive

Dingdong apektado ang trabaho sa panganganak ni Marian

399
tonite-imo-vinia-vivar
Dahil malapit nang manganak si Ma­rian Rivera, nagbabawas-bawas na ng trabaho ngayon ang asawa niyang si Dingdong Dantes dahil siyempre nga naman, gusto niya ay lagi na lang siya sa bahay ngayon para nandiyan siya or madali lang makauwi sakaling iluwal na ng misis ang kanilang first baby boy.

 

Kinumpirma niyang may bago siyang action film na gagawin sa Viva Films at sisimulan niya ito pagkatapos manganak ni Marian. Isa raw itong ­adaptation ng Korean film na “A Hard Day” at wala raw siyang leading lady.
“Action-suspense-comedy, kaya medyo exciting,” sey ni Dong nang makausap namin sa press launch niya bilang bagong brand ambassador ng Persian Avenue food chain.
Aminado rin si Dong na may nerbyos pa rin siya sa nalalapit na panganganak ng misis kahit pangalawang beses na ito ng pagiging magulang nila.
“Kasi, bagong daddy ako sa isa, pero bagong daddy rin ako sa dalawa, so ‘di ba, everyday is new.”
Samantala, ang Persian Ave­nue ay pag-aari ng ng magkapatid na Arjay at Paolo Lapid ng Angeles, Pampanga. In a span of 4 years, they were able to create 34 branches at target nila for 2019 na magkaroon ng 150 branches.
Proud si Dingdong na mapiling brand ambassador ng nasabing food store at plano rin niyang magkaroon ng franchise nito. Aniya, bago pa man siya kuning endorser ng Persian Avenue ay pina-patronize na niya ito.

 

Valerie binalikan  ang dating manager

Bumalik na si Valerie Concepcion sa dati ­niyang manager na si Becky Aguila na una niya tala-gang manager bago siya lumipat sa pangangalaga ni Arnold Vegafria noong 2015.

 

Ayon kay Valerie nang makapalitan namin ng text message, natapos na raw ang kontrata niya kay Arnold kaya kinausap niya ulit ang dating manager.
“Wala naman po kasi kaming problema ni Tita Becky. Even when I wasn’t with their agency, I would still text her ‘pag may occasions,” saad ni Val.
Noon pa ay si Tita Becky na raw ang itinuturing niyang second mom.

 

“So, when my contract ended, it was either ako na lang with my mom (ang mag-manage sa sarili) or back to Tita Becky. And I chose the latter because as I’ve said, Tita Becky is like a 2nd mom to me.

 

“She’s been there for me from the start and I ­really appreciate that,” ­pahayag pa ng aktres.

 

Sobrang happy raw siya ngayon na back in each other’s arms na sila ng kanyang pa­ngalawang ina.

 

“Happy po ako kasi welcome na welcome pa rin po ako kina Tita Becky and Kat (Katrina Aguila, Becky’s daughter) and I’m grateful for that,” sey pa ni Val.

 

Sa December na ikakasal si Valerie sa kanyang non-showbiz fiancée na si Francis Sunga. Kasalukuyan na silang nagpeprepara for the wedding pero keri pa rin daw na tumanggap ng work.

 

Nakatakda siyang mag-guest sa “Kadenang Ginto” at “Wansapanataym” ng ­ABS-CBN.