Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong, Bela, Sunshine bumagsak sa pagdidirek

0 484

MILDRED BACUD: Ang friendship ng mga orihinal na Encantandia stars ang naging daan para magtayo ng sariling produksyon. 2018 nang mabuo ang Encantandia Productions Inc. na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zuburi, Karylle at direk Mark Reyes. Ito na rin ang naging daan para bigyan ni Shine ng pagkakataon ang sarili na maging director. Kaya naman naging 2nd unit director siya sa seryeng “B&B: The Battle Between Brody and Brandy na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Ian Veneracion. Worldwide siya napapanood via streaming platform na WeTV. Nasilip ko siya and in fairness matino at maganda naman ang serye.

Halos kasabay rin naman ng pagdidirek ni Sunshine ang paglipat niya sa Kapamilya network. Hindi na nakakapagtaka mga ka-Cuatros na may mga artistang nagkakainteres sa pagdidirek dahil sa tagal na rin nila sa industriya ay natuto sila sa takbo ng produksyon.

ROMMEL PLACENTE: Isa pang pinasok na rin ang pagdidirek ay ang aktor na si John Prats Alam ninyo ba mga ka-Cuatros na sa ilang episodes noon ng Tonight With Boy Abunda ay siya ang nagdirek? Nag-train siya muna kay direk Arnel Natividad.At nu’ng sa tingin nito ay kaya na ni John na idirek ang naturang show ni Kuya Boy ay binigyan niya ng chance ang aktor na maging kapitan ng show.

Nagawa na ring magdirek ng music video si John via Malaya.Ito ang kantang pinasikat ni Moira. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na idirek ang concert ni Moira noong 2018 na Taguan.O di ba level up na ang kuya ni Camille Prats?

Pero ang masasabi ni John na pinakamalaking break sa kanya bilang isang direktor ay nang idirek niya ang Christmas special ng ABS CBN 2 last year. Hindi nga raw siya makapaniwala na siya ang kinuhang direktor nito. It’s a dream come true raw yun para sa kanya.

RODEL FERNANDO: Isa sa mga tumatak sa showbiz na actor-director ay ang namayapang si Eddie Garcia. Maraming pelikula niya ay siya mismo ang nagdirek. Nakagawa rin siya ng mga pelikula as director ng mga movie nina Nora Aunor at Vilma Santos. Maski mga baguhang aktor nitong mga huling sandali niya sa showbiz ay naidirek din niya.

Bukod kay Eddie, ang mga aktor at aktres na sina Ricky Davao at Gina Alajar ay nakilala ring direktor pero mas sa telebisyon sila nagpokus. Pero kahit nagdidirek sila ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang pag-arte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang aktor na si Dingdong Dantes ay sumabak din sa pagdidirek. First directorial job niya ay Angels na pinagbidahan ni Angel Locsin. Nasundan ito ng mga programa sa GMA 7 na Atlantika, ang horror fantasy na Kakabakaba at ilan sa mga episode ng drama anthology na Tadhana. Pero sa ngayon ay hindi pa natututukan ng aktor ang pagdidirek dahil masyado siyang busy sa kanyang career bilang aktor at negosyante.

ROLDAN CASTRO: Pinasok na rin ni Bela Padilla angpagdidirek.Base sa nababasa naming feedback pinupuri naman ni Zanjoe Marudo ang kanyang director sa ginagawa nilang pelikula. Mukhang may potensyal si Bela sa larangang ito.

Kung may mahuhusay na director-actor. Meron din walang karapatan.

Hindi na nasundan ang pagdidirek ng isang komedyante. Basura ang natapos niyang pelikula at lumang style pa.

Nilalait din ang isang sikat na aktor sa movie na dinirek niya. Boring at hindi maganda ang rebyu ng mga kritiko.

Tumigil na sila sa mga ilusyon nila,no?!

Leave A Reply

Your email address will not be published.