Abante Tonite Interactive

Dingdong-Dennis bagong ‘Cain at Abel’

876

tonite-pak-allan-dionesExcited kami sa ‘Cain at Abel’, ang bagong drama project na gagawin nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa GMA.
First time magsasama ng dalawang hari ng Kapuso network at mukhang perfect sa DongDen ang classic na kuwento ng magkapatid na hango sa Bibliya.

Ayon sa aklat ng Genesis, sina Cain at Abel ang unang anak nina Eba at Adan. Dahil sa inggit ng panganay na si Cain ay pinatay nito ang nakababatang kapatid na si Abel.

Ginawa itong pelikula nu’ng 1982 na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Phillip Salvador, sa direksyon ni Lino Brocka.

Abante Hiring – IT dep

Hindi namin sure kung inspired ng nasabing pelikula­ ang Kapuso drama series. Curious kami kung sinong gaganap na Cain kina Dingdong at Dennis dahil tila ito ang mas challenging na role.

Parehong award-winning actors ang DongDen kaya kaabang-abang ang magaganap na tagisan ng aktingan.

May nakita kaming pinost na pic ang lady boss ng GMA na si Tita Lilybeth Rasonable na kasama niya ang dalawang aktor, so mukhang nag-storycon na ang ‘Cain at Abel’.

May narinig kaming tsika kung sino ang aktres na napipisil na maging leading lady rito nina Dingdong at Dennis, pero hindi namin sigurado kung final na ‘yon.

Ang suwerte ng nasabing Kapuso actress kung siya nga ang mapipili dahil bigla siyang mae-elevate sa level nina Dong at Dennis. Isa itong malaking promotion on her part na malamang marami ang magrereak.

Kung may pa-audition ang GMA for the said role, sana ay mag-audition si Arra San Agustin, na para sa amin ay deserving mabig­yan ng break dahil bukod sa maganda ito ay nakakaarte.

In fairness ay kapani-paniwala kung si Arra ang pag-aagawan ng DongDen dahil gandara at mestisa ang 22-anyos na ‘StarStruck’ girl, na napansin nang gumanap bilang Ariana, ang reincarnation ni Sang’gre Amihan (Kylie Padilla) sa 2016 remake ng ‘Encantadia’.

Isa pang promising Kapuso na hindi pa nabibigyan ng break ay ang 17-anyos na Liza Soberano-lookalike na si Kate Valdez.

38th birthday ni Dingdong nu’ng Agosto 2 at mukhang wala siyang ma­laking party, may dinner celebration lang siya with his family.

Nakita namin sa IGS ni Marian Rivera ‘yung masarap na food sa birthday ni Dong, na catered ng Lechon Diva na si Dedet dela Fuente ng Pepita’s Kitchen. Yummy!!
***

Robin ‘para sa bayan’ ang presyo

Nakakabilib si Robin Padilla dahil kahit busy ito sa kanyang­ TV at movie career ay nagagawa pa niyang mag-volunteer ng kanyang serbisyo para makatulong sa gobyerno.

Nagpapasalamat kay Binoe si DPWH Secretary Mark Villar dahil nag-volun­teer ang aktor na tumulong sa Build, Build, Build program ng gobyerno.

Ayon kay Sec. Mark, maraming projects ang DPWH sa Mindanao, lalo na sa Marawi, so malaking bagay ang tulong ni Robin para malaman ng mga kababayan natin ang mga ginagawang proyekto ng gobyerno roon.

Aniya, sa suporta ni Ro­bin ay lalong lalawak ang awareness sa infrastructure projects at pati na sa trabaho. May job caravan sa August 12 sa SMX at darating doon si Robin.

Bukod sa pagtulong sa promotions ay puwede ring magbigay ng mga suggestion niya si Binoe bilang ikot siya nang ikot, lalo na sa Marawi area kung saan very concerned siya.

Kaya winewelkam ni Sec. Villar lahat ng tulong mula kay Robin, ganu’n na rin mula kay Senator Manny Pacquiao, na Chairman ng Senate Committee on DPWH kaya eversince ay nakasuporta ito sa kanila.

Ang ikinatuwa pa nina Sec. Mark ay zero ang sinisi­ngil ni Robin. As in ‘para sa bayan’ daw ang presyo nito. Zero, so kayang-kaya nila.

Kagagaling lang ni Sec. Villar sa Boracay at masayang kuwento niya, ibang-iba na ang nasabing isla. Mas malawak na raw ang beach, na-clear na ang lahat ng encroachment maging sa kalye kaya lumawak din ang kalsada. Kung dati ay 5 meters lang ang lapad ng kalye, ngayon ay 12 meters na.

Matutuwa raw ang mga pupunta ng Boracay once mag-open na ito sa late October dahil ibang-iba na ito, ang laki ng in-improve from before.

Hindi raw nakita ni Sec. Mark doon sa Bora ang kontrobersyal na si Alice Dixson, na nakapunta roon kahit sarado pa ang isla (‘yun pala ay kasal ito sa may-ari ng isang posh resort doon).

Nakangiting sey ng masipag na DPWH Secretary, hindi siya nakaikot masya­do kaya hindi niya nakita roon si Alice. Baka raw next time pagbalik niya.

Nabanggit din ni Sec. Villar ang good news na bubuksan na nila this year ang Harbor Lane at matatapos na rin ang Laguna Lake Highway, so luluwag na raw ang mga kalye at tuloy-tuloy na in the next few years ang malaking improvement sa trapik. So, hindi raw totoong may forever sa trapik sa Pilipinas!