Abante Tonite Interactive

Dingdong-Dennis bigong pabagsakin si Coco

2,279

Hindi pa rin naungusan ang FPJs ‘Ang Probinsyano’ ng bagong serye na ‘Cain at Abel’.

Pinadapa ni Coco Martin sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Base sa ratings ng Kantar Media 17.6% lamang ang ‘Cain at Abel’ kumpara sa ‘Ang Probinsyano’ na 40.1%.

Mukhang nakatulong ang pagpuna ng kapulisan sa istorya ng serye ni Coco dahil hindi pa rin ito natinag ng kalaban.
Mas lalong umingay ang nasabing show. Dalawang hari na ng Kapuso ang nakipagsalpukan sa Primetime King ng Dos pero di pa rin kinaya sa umpisa ng labanan.

Anyway, maganda ang feedback sa bagong serye ng Siyete.

Kumbaga nakagawa sila ng matinong programa na maiibigan ng mga Kapuso viewer.