Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong ‘di umapir sa b-day ni Zia

0 88

Malungkot si Dingdong Dantes na sa kauna-unahang pagkakataon ay wala siya sa kaarawan ng kanyang panganay na anak na si Zia. Nag-celebrate ito ng 6th birthday yesterday, Nov. 23.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Dingdong para sa bago niyang proyekto sa GMA-7 .Dahil dito, idinaan na lang niya sa kanyang Instagram post ang kanyang nararamdamang pangungulila sa pamilya on this special day.

Nag-post ang aktor ng touching video nila ni Zia. Makikitang kandong niya ang anak habang kumakanta’t naggigitara ito ng “Can’t Help Falling In Love.”

Tinernohan pa ito ni Dong ng napaka-touching din na birthday message for Zia .Ramdam na ramdam talaga namin kung gaano kahirap para sa kanya na ‘di makapiling ang panganay na anak sa kaarawan nito.

“For the last six years, this is the first time that I did not have you under my armpits for this long. I can just imagine how your Lolo Jig felt, when he worked in a cruise ship for months in HKG when i was around 8 years old.

“It’s kinda hard for me now, but the thought of you being safe and happy there at home with your mom and brother makes me at peace.

“This last video that we did together definitely makes me miss you more– you were amaZing! 💪🏻Don’t worry, when i get back home, we’ll definitely make more memories with these after-dinner songs, which will come after your regular animated storytelling of how your day had transpired.

“It has been 20 days since i left and despite the gloominess of this rest day, there is this indescribable feeling of joy knowing that on this day, God has gifted the world with someone like you.

“Happy 6th, Ate Z. When you’re a bit older, i hope you’ll understand why Dada isn’t with you on this special day.

“For now, i’ll just have to play this over and over till I have you back under my armpits again.

“Forgive me for posting this, for i can’t help falling in love with you.

“Love, DAD,” ang kabuuan ng sweet but heartbreaking birthday message ni Dong para sa panganay na anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gabbi, Khalil todo na ang romansa

Isa rin sa matatatag na relasyon sa showbiz ang mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Magsi-six years na pala ang relasyon nila. Bagama’t low-key lang sila, kitang-kita na okay na okay ang lahat sa kanila.

Sa virtual mediacon kahapon para sa bago nilang project sa GMA-7, ang Stories From the Heart: Love on Air, both were saying na talagang happy sila sa isa’t isa.

“Ako, sobra-sobrang happy kasi ever-evolving ‘yung relationship namin and you know, there’s nowhere or no one else I could imagine myself with than Gab kasi sobrang as in we fit like a glove and we compliment each other so well. So, she’s my favorite person,” sabi ni Khalil.

Sinegundahan naman ito ni Gab at ang ganda rin ng kanyang sinabi.

“’Yung puso ko ngayon is very secured, very safe and very much sincerely happy. Talagang I couldn’t ask for more,” ani Gabbi.

Masasabi ba nilang “the one” na ang isa’t isa?

“Ako, I’m the type of guy who dates to marry. So, the short answer to that question is yes,” sey ng aktor.

Ganundin ang sagot ni Gabbi. “Yes, of course. I feel like anon’g point ng relationship if that’s not what you’re eyeing? So, as of the moment, yes.”

Pangatlong project na ito together nina Kalil at Gabbi. Ang una ay sa pelikulang LSS at ang pangalawa naman ay sa Regal Studio Presents sa GMA-7. Pero mas magaan daw ang pagtatrabaho nila sa Love on Air dahil mas collaborative sila pagdating sa mga eksena.

“Tapos na kami sa stage na nagkakapaan kami, so it’s just more of like playing with each other’s characters na. We sit down, we discuss about the scene. And what I like about our dynamics is that we’re both very giving, talagang we try to be generous. We’re really generous when it comes to emotions, nuasances, so very swak na talaga ang working relationship namin,” sabi ni Gabbi.

Magsisimula na ngayong Nov. 29 ang Love on Air sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin sa anthology sina Kate Valdez, Jason Francisco, Kiray Celis, Anjo Damiles, Psalms David and Sunshine Cruz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.