Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong, Heart, Bitoy may sorpresa

0 461

NI: ROLDAN CASTRO

May sorpresa sina Dingdong Dantes, Heart Evangelista at Michael V p ara sa 70th anniversary celebration ng GMA Network. Sanib-puwersa nilang inihahandog ang pinakahihintay ng lahat na high-quality at affordable Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na ‘GMA Affordabox’.

“In celebration of this milestone of reaching seven colorful decades in the industry, we are more than grateful for the Filipinos’ continued trust in GMA Network as we reaffirm our commitment to deliver excellence in news and entertainment. Kaya naman, kasabay ng ika-70 anibersaryo ng inyong Kapuso Network, buong puso naming inihahandog sa inyo ang high-quality at abot-kayang digital TV receiver na Para Sa Pilipino—ang GMA Affordabox,” ayon kay GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon.

Isang plug-and-play device ang GMA Affordabox. Kailangan lang itong ikabit sa analog TV at makakatanggap na ito ng digital television broadcast. Maaari nang mapanood ang GMA, GMA News TV, at ang pinakabagong Kapuso channel na Heart of Asia sa mas malinaw na digital display. Mapapanood din ng mga Kapuso ang ibang free-to-air digital TV channels na available sa kanilang area.

“GMA Affordabox stays true to its name as we make it available in the market at an affordable price, without compromising quality. GMA Network has teamed up with the best product developers and engineers to give you a device built with additional features and high-quality materials at an accessible price. Now, more Filipino homes can start enjoying digital TV viewing,” saad ni GMA Network President and COO Gilberto R. Duavit, Jr.

At dahil gawa ito sa matibay na itim na metal casing, makatitiyak ang viewers na talaga namang tatagal ang GMA Affordabox sa mahabang panahon. Bukod sa malinaw na digital signal reception, marami pa itong free additional features para sa level-up na entertainment experience. Mayroon itong built-in multimedia player kung saan maaaring makapag-view ng photos, makapagpatugtog ng music files, at mapanood ang videos na naka-save gamit ang USB drive.

“Aside from providing superior digital reception, we also wanted Filipino homes to enjoy additional features that are built to suit their lifestyle,” paliwanag ni GMA Network Chief Risk Officer and First Vice President for Corporate Strategic Planning and Concurrent Head for Program Support Regie C. Bautista.

Isa pang advanced function ng GMA Affordabox ay ang personal video recorder feature nito kung saan pwedeng i-record at panuorin muli ng Kapuso viewers ang mga programa ng GMA, GMA News TV, at Heart of Asia.

Hindi pa nagtatapos dito ang one-of-a-kind features na dapat abangan sa GMA Affordabox. Mayroon din itong nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay ng babala sa pamamagitan ng mga alert mula sa NDRRMC. May auto-on alert feature rin ito kung saan automatic na maga-alarm ang GMA Affordabox tuwing emergencies para mas maging handa at safe ang bawat kabahayan.

Ang maganda pa rito, one-time purchase lang ito at walang monthly fees.

Mabibili ang GMA Affordabox online at sa mga lugar kung saan available na ang digital signal ng GMA: Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.