Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong hirap sa signal

0 83

Ilang araw nang nagte-taping ang cast ng Descendants of the Sun PH sa Rizal para sa upcoming fresh episodes ng primetime series.

Sa latest Instagramni Dingdong Dantes, ikinuwento niya ang naging experience ng buong team sa pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal.

Aniya, “We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descendants of the Sun PH. The initial few days of the shoot [were] challenging because we were all adjusting to the new protocols. Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment.”

Sey pa ng actor, hirap din sila na magkaroon ng malakas at maayos na signal connection sa kanilang location. Kaya naman naghanap pa siya ng tamang lugar para kumustahin ang kanyang pamilya.

“So, today is rest day, and I had to ride a few kilometers to get some signal within the property. Kahit mahirap ang connection, its time to check on my family – my wife and kids, who I truly miss; @dingdongph which has an on going dry run; and @aktorph. I hope you and your loved ones are also healthy and safe over there.”

Talbog!

Nag-post ng behind-the-scene pictures ang ilang cast members ng DOTS.

Isa si Jon Lucas o si Harry Potter sa serye na nagbahagi ng kanilang group photo ng Alpha Team. Aniya, “Always better when we’re together.”

Si Rocco Nacino naman ay pinost ang litrato ng kanyang uniform na may caption na “Wolf is Back. See you all soon on GMA Telebabad.”

Nu’ng Sabado nag-live naman si Jasmine Curtis Smith habang nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa location.Pinakita niya ang mapunong lugar at tunog ng kuliglig.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.