Abante Tonite Interactive

Dingdong, isasabong kay Coco

138

ANG primetime action-drama ni Dingdong Dantes (with Megan Young and Andrea Torres), malamang na itapat sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan bida si Coco Martin.

Hindi madaling tapatan at kabugin ang police drama ni Martin. Mabilis ang pacing nito, hitik sa aksyon, tama ang timpla pagdating sa drama at pakiliti.

Panalo ang camera angles at ang who’s who sa mga Kapamilya at major actors and actresses, eh nakalinya para maging special guests.

Kaya patuloy ito sa pamamayagpag and there seems to be no stopping its success.

Kung may balak silang tapatan ang primetime Goliath, dapat ang action series ni Papa Jose Sixto ang mga ka-level ay Bourne Identity ni Matt Damon, 24 ni Kiefer Sutherland o para pangabog talaga, an Asian TV incarnation of James Bond.

At hindi ito pwedeng madaliin.

Hindi porke alika­bok ang ipi­napakain sa Encantadia eh dapat ilipat na ito agad-agad sa later time slot at isa­lang ang serye ni Dingdong.

Kung tunay na may pagpapahalaga ang ka-Siyete sa pagiging primetime king ni Dantes, may tamang panahon para sa nasabing seryeng ito.

Hindi madaling mag-mount ng action drama series na bago, kakaiba, kapana-panabik at dapat panoorin.

Coco Martin
Coco Martin

Kung hindi na kayo masaya sa under perfor­mance ng mga istarletitang Sang’gre at bet ninyong mag-experiment, ang itapat ninyo sa Coco Martin starrer eh ang Korean drama na parang My Husband’s Lover — ang Life Is Beautiful kung saan ang bidang characters ay isang doctor at food photographer and businessman na ang emotada encarnacion, parehong straight acting.

Panalo ang Korean dramang ito at bonggang ipa-dub kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang lead stars.

***

Kapatul-patol pa ba ang mga patutsada ni Andi Eigenmann kay Jake Ejercito?

Sa ginagawa niyang ito, parang after her Angela Markado starrer, itong istarletita infested movie niya with a nega title, may chance na kung hindi mag-first day, last day eh first screening, last screening.

At sa pa­rung­git niyang TA­LENTLESS si Ejercito, hiyang-hiya ako kay Bb. Eigenmann sa brillo at galing niya bilang aktres. Panalung-panalo ang filmography mo at yes, you were handled by the best directors this side of the planet.

Sakday husay ka pala, ‘neng!

It’s you na olreydi.

Sapat na sa iyo ang one statement ni Jake na, “No thanks, I’d rather be real than be a relevant sham any day.”

Sige, Andi, taray pa more… bitter-bitteran pa most!

***

Judy Ann Santos
Judy Ann Santos

Ang diva that you love, hindi maarok kung bakit ginawang big deal ng ibang tao ang pagkatalo nina Nora Aunor at Judy Ann Santos sa best actress ca­tegory ng Cinemalaya kay Hasmine Killip.

Ang mas nakakatuliro, ‘yung ibang may mga eksaheradang reaksyon ay hindi napanood ang movie ni Ate Guy na Tuos, ang pelikula ni Juday na Kusina at ang movie ni Hasmine na Pamilya Ordinaryo.

Paano kayo nakapag-conclude na Guy and Mrs. Agoncillo gave the better performances kung hindi ninyo napanood?

Ang diva that you love will rise above all your pettiness and sentiments at pilit uunawain ang bet ninyo.

Hindi ko babasagin ang inyong mga trip lalo na’t we are in democracy at ang mga opinyon ninyo shows indeed working ang demokrasya natin.

Ang Cinemalaya ay isang film competition at dahil kasali ang entries nina Guy at Juday, natural na ang nasa of their fanatics eh sila ang mag-viktoria.

Kung hindi man sila nagwagi, it doesn’t dimi­nish the fact that they both gave good performances base sa reviews of those who viewed their movies.

Sa iba na hindi nanood at kumukuda at humahanash para lang masabing ‘in’ sila at tunay silang ‘panatiko,’ hiyang-hiya ako sa inyo.

Kung mismong sina Nora at Juday eh tila maligaya sa pagwawagi ni Hasmine, bakit kayo bitter na bitter na parang kayo ang ninakawan ng balanghai trophy?

Bago kayo magnga­ngawa, watch n’yo muna si Killip at sure akong mapapagtanto n’yo na deser­ving siyang manalo.

Hindi n’yo siya dapat i-discredit dahil she won. In the same manner that Nora and Juday ought not to be vilified because they lost.

Respetuhin ang choi­ces ng Cinemalaya jurors. As far as the jury is concerned, mas magaling si Hasmine compared kina Nora at Juday.

Kina Lav Diaz, Je­rold Tarrog, Mam Charo Santos-Concio at doon sa da­lawang foreigner jury kayo magtaray.

Sa kanila ninyo ipa­ramdam ang pagda­dabog ng collective bangs ninyo.

Time to shine at one moment in time ni Hasmine ang kanyang tagumpay sa Cinemalaya.

Nora and Judy Ann will have their fair share of trophies, pwedeng sa URIAN o sa internatio­nal award-giving bodies.