Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong kinilala ng FDCP

0 99

NI: ROLDAN CASTRO

Nakatanggap na parangal si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes mula sa 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) .

Sa kanilang virtual awarding na ginanap noong February 28, kinilala si Dingdong ng FDCP bilang isa sa recipients ng Cinemadvocate award para sa kaniyang ipinamalas na malasakit sa mga displaced TV at film worker pati na rin stuntmen nitong pandemya.

SM food to go Banner Ad

Aniya, “Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition. Na-consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.”

Kabilang din si Dingdong sa listahan ng FAN 2021 Actors Awardees para sa internationally-acclaimed drama na ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation’ kung saan nag-uwi siya ng ‘Asian Star Prize’ sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Samantala, tagumpay rin ang aktor na maiuwi ang Best Performance by an Actor (TV series) para pa rin sa DOTSPh sa ginanap na 5th GEMS Virtual Awarding Program nitong March 1.

Leave A Reply

Your email address will not be published.