Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong, Marian naturukan na ng bakuna

0 105

NI: VINIA VIVAR
Kahapon ay nabakunahan na rin kontra COVID-19 ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nagpaturok ang DongYan ng kanilang first dose ng Sinovac sa Venice Piazza sa Taguig City bandang alas dos ng hapon.
Pumila rin ang mag-asawa, dumaan sa lahat ng proseso at naghintay na mabakunahan.

SM food to go Banner Ad

Masaya pa silang nagbibiruan habang naghihintay sa kanilang slot. Good thing, ilan lang kaming nakakilala sa mag-asawa since naka-face mask and face shield sila kaya hindi sila dinumog.

Bukod sa DongYan, nagpabakuna rin sa nasabing vaccination center ang iba pang celebrities tulad nina Glaiza de Castro, Wendell Ramos, JC Santos, Gian Magdangal at iba pang miyembro ng AKTOR.

Leave A Reply

Your email address will not be published.