Abante Tonite Interactive

Dingdong, Michael V, Alden magpapasiklab sa concert ni Betong

411

Huhusgahan na ngayong gabi, Nov. 21, 8PM si Betong Sumaya. Ito’y sa kanyang concert sa Music Museum na pinamagatang “Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert”.

Kilala si Betong sa kanyang comedic skills pero hindi pa nakikita ‘yung galing niyang mag-perform sa stage. Ibinunyag niya na passionate siya sa music bago pa man pumasok sa showbiz.

“Sobra akong thankful and blessed dahil bagong ilalagay ko ito sa aking resume, isa itong pangarap na natupad dahil isa sa mga passion ko talaga ang singing,” deklara niya.

“Panoorin ninyo ang bago kong journey, hindi ko kayo bibiguin at kakaibang Betong po itong matutunghayan ninyo,” dagdag pa niya.

Todo ang pasasalamat ng komedyante dahil pinaunlakan siya ni Alden Richards na maging guest sa nasabing concert. May pasabog din ang kanyang “Bubble Gang” family sa pangunguna ni Michael V. Nandiyan din sina Dingdong Dantes, Miguel Tanfelix, Jeric Gonzales, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Maey Bautista, Michael Angelo, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Patricia Javier, Chuckie Dreyfus, Arthur Solinap, Carlo Gonzales atbp.

Ang “Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert” ay sa direksyon ni Juan Paulo Infante and under the musical direction of Jojo Diamse. (Roldan Castro)