Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong P10M pambili ng bulaklak; Marian tinago ang datung

0 530

NI: ARCHIE LIAO
Nakapanayam ni Christine Babao sa kanyang YouTube channel ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ani Christine, hindi raw siya nahirapang imbitahan si Dingdong dahil malayong kamag-anak niya ito.

Tinanong niya ang aktor kung paano nito iniha-handle ang kanyang finances. Kuripot na tao raw ba si Dong?

Hindi naman niya ito idinenay dahil marami raw ang nagsasabing kuripot siya.

Mula sa pagiging dancer, naging pasaporte raw niya ang acting para magkaroon ng pangalan at magtagumpay sa showbiz.

Bagamat may dream car daw siya, hindi raw siya iyong tipong mahilig sa flashy cars.

Mas kuntento pa nga raw siya sa kanyang motorbike na nagagamit niya sa kanyang out-of-town adventures.

Ngayong pamilyado na raw siya, ang kanya raw kinikita ay napupunta sa savings, security at education nina Zia at Ziggy.

Nagtitira na lang daw siya ng sampung porsiyento para sa sarili.

Inamin din niyang karamihan ng pera niya ay ang misis niyang si Marian ang nagtatago.

Best advice rin niya na ang tamang diskarte sa paghawak ng pera ay ibigay lahat sa asawa.

Kumbaga,susunod na lang daw siya sa misis dahil mas maabilidad ito sa kanya pagdating sa pamamahala ng pananalapi.

Ayon pa kay Dingdong, mas magaling rin daw at madiskarte ang misis pagdating sa pagnenegosyo.

Katunayan, kahit noong wala pa raw ito sa showbiz ay business-minded na ito dahil may mga pinauupahan na itong properties.

Sa tanong naman kung ano ang bibilhin ng aktor kung meron itong 10 million, aniya, ibibili raw niya ito ng mga bulaklak para pangpuhunan sa flower business ng asawa.

Sa naturang vlog din, ibinahagi ni Dingdong na sa murang edad ay iminumulat na nila ni Marian ang mga tsikiting sa tamang konsepto ng pag-iimpok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.