Abante Tonite Interactive

Dingdong pa-expire ang kontrata sa Kapuso

276

tonite-imo-vinia-vivarPatapos na ang kontrata ni Dingdong Dantes sa GMA-7 ngayong Jan. 15 kaya naman natanong siya ng mga press na bumisita sa kanya sa taping ng “Cain at Abel” kung magre-renew siya.

Ayon sa aktor, papel na lang daw ang kontrata at panghabambuhay daw ang pagiging Kapuso niya.

Siyempre, pagdating nga naman sa ganitong bagay, ang manager niya pa ring si Perry Lansigan ang nakakaalam.

Pagkatapos daw ng “Cain at Abel” ay gagawa raw ng movie si Dong habang hinihintay ang panganganak ng asawang si Marian Rivera.

As we all know, lalaki ang ipinagbubuntis ni ­Marian at ayon sa aktor ay wala pa raw silang napipiling pa­ngalan. Excited na excited na raw sila sa pagdating ng bagong baby. Pati ang pa­nganay nilang si Zia ay looking forward na sa pagiging ate niya kay bunso.

Happy rin si Dingdong sa tinatakbo ng story ng “Cain at Abel” pati na sa working environment. May collaboration daw ang cast, creative at direktor sa istorya.

Bimby inurirat ang pag-aaral sa pagkaray ni Kris

Dahil laging kasama ni Kris Aquino ang kanyang bunsong anak na si Bimby sa mga biyahe niya, may nagtanong nang netizen kung hindi raw ba ito nag-aaral.

Sinagot naman ito ni Kris at sey niya, “finished his 6th grade workbooks for this week. His teachers sent all his reading & assignments with us.”

Samantala, sa latest update ni Kris kahapon ay nasa Singapore pa rin siya para sa series of check-ups at nagpasalamat siya sa patuloy na nagdarasal para sa kanya.

87 agawan sa korona ng Miss Intercontinental

Opisyal nang iniharap ang mga kandidata ng 47th Miss Intercontinental sa press presentation na ginanap last Thursday sa Sofitel Hotel.

Rumampa ang 87 kandidata ng nasabing pageant at dito pa lang, lutang na lutang na agad si Miss Phi­lippines Karen Gallman dahil dalawang award agad ang naiuwi niya sa press presentation.

Siya ang binoto ng press sa Media Favorite at siya rin ang napiling Standout Beauty. Kaya naman nga­yon pa lang ay marami na ang nagsasabi na malaki ang tsansa na maiuwi niya ang korona.

Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang ating bansa ng Miss Intercontinental na dapat sana’y sa Japan pero tadhana na rin siguro ang gumawa ng way dahil nagkataong gaganapin din ang Olympic Games sa Japan at ito ang mas binigyang-priority ng nasabing bansa.

Gaganapin ang Final Pageant and Coronation night ng Miss Intercontinental sa Jan. 26 at the Mall of Asia Arena. Pero bago ito ay magkakaroon muna ng pre-pageant shows ang 87 candidates.

Sa Jan. 16 gaganapin ang Swimsuit and Philippine Designer’s Evening Gown Fashion Show sa Grand Ballroom ng Okada Manila. Sa Jan. 17 naman ang Evening Gown Competition and Philippine Designer’s Filipiniana Fashion Show, same venue.

Sa January 19 naman ang National Costume Competition at The Garden sa Okada Manila.

Mapapapanood naman sa TV ang nasabing pageant sa ABS-CBN on January 27, bago mag-“ASAP.”