Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong pinagtripan sa San Beda

0 372

NI: VINIA VIVAR

Ibinahagi ni Dingdong Dantes ang mga hindi malilimutang karanasan niya noong estudyante pa lamang siya sa kanyang panayam sa Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96” sa GTV.

Kabilang na nga rito ang pinagdaanan niyang initiation rite noong first year siya sa San Beda University.

“’Yung gawain namin du’n, tatakbo kami from San Beda, lahat paikot, CEU hanggang Holy Spirit tapos may kanya-kanyang assigned costume or uniform na katawa-tawa,” pagre-recall ni Dong.

Ang natoka raw sa kanila ay ang pagsusuot ng adult diaper.

SM food to go Banner Ad

“Ang na-assign sa amin nu’n. naka-adult diaper kami na naka-military boots tapos nakasando tapos naka-chupon. So, talagang pagtitripan ka,” kwento niya.

Nai-share rin ng aktor na naging bahagi siya ng San Beda cheering team sa NCAA games at aminadong hindi siya kagalingan sa basketball.

“Hindi ako masyadong pinagpala sa basketball. Hindi ako kagalingan, e. So sabi ko doon na lang ako sa puwede kong mai-contribute and that time I was already into dancing because I came from a dance group called Abztract,” aniya.

Pero nakikita raw niya ngayon sa pangalawang anak nila ni Marian Rivera na si Ziggy na mukhang mahilig ito sa basketball.

“Sabi ko sana magaling ka sa basketball kasi du’n ako hindi magaling. So mukhang okay naman.Kaya meron siyang maliit na court diyan. Tapos ngayon meron siyang malaking court kahit paano,” ani Dong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.