Abante Tonite Interactive

Dingdong pumalag sa pambabastos kay KaladKaren

1,460

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Ang mabunying aktor­ na si Dingdong Dantes, may opisyal na reaksyon sa nangyari kay KaladKaren Davila, o si Jervi Li sa tunay na buhay.

Si Li, nagpuputak, here, there and every where kasi nga may isang bar na hindi siya pinahintulutang makapasok for one simple reason, “bawal ang bakla.”

Para sa full kaganapan, panoorin ang bidyo na si Jervi mismo ang nag-post at kayo na ang humusga sa pangyayari.

Kung si Dantes may reaksyon na “Yung mga may ari at ang bouncer (na malamang ay sumusunod lang sa utos) ang dapat ma-educate sa kahalagahan ng SOGIE equality bill,” takang-taka lang ang diva that you love na tila ni isa sa mga supposed to be leading movers and sha­kers and progressive gay groups, parang walang official statement tungkol sa pangyayaring ito?

May tama ako sa aking obserbasyon na pag may diskriminasyong nangyayari sa mga members of the pink community, cons­picuously quiet ang mga elders at leaders?

Ilang KaladKaren pa ba ang dapat bastusin para ang mga tita at lowlah natin magdabog ang bangs at magtatalak?

Kaya nga nakakatuwa na isang tunay na barakong tulad ni Jose Sixto alam na hindi dapat binabastos ang kahit na sinong tao. Sobrang too late the hero na ang paliwanag at paumanhin mula sa pamunuan ng bar na hindi nagpapasok kay Li.

Kasi nga the harm has been done. Pain was already inflicted. No amount of apology can erase the bitter truth na ang turing pa rin sa bakla ay “bakla lang,” parang mababang uring nilalang.

Kailan kaya darating ang tunay, bukal at buong-buong pagtanggap at pagyakap sa lahat ng bakla at tomboy? Kung sakaling may SOGIE law na, garantiya ba ito na the discrimination and hatred will stop?

We need more men like Dingdong Dantes to voice their opinions na dapat pantay-pantay ang pakikitungo at turing sa lahat, lalo na sa mga kasali sa Rainbow Colored Community.

TF ng bulag na finalist ng ‘TNT’ inaksyunan ng ABS-CBN

Ang diva that you love natutuwa sa mabilis na resolve mula sa ABS-CBN. Yes my dear Abante Tonite rea­ders, ayon sa isang balita , umaksiyon na ang Mother Ignacia network sa pasakit na tatlong taong dinala ni Carl Malone Montecido, ang bulag na grand finalist sa pangmala­kasang singing­ contest sa telebisyon, ang Tawag ng Tanghalan (TNT) sa It’s Showtime.

Sabi sa balita, si Direk Laurenti Dyogi ang nagsabi sa concerned citizen na si Paul Ballano na aasikasuhin ang kaganapan kay Carl at ginawa naman nila ito.

Hindi daw two years bago nakuha ang mga premyo ni Montecido, balanse na lang mula sa mga TF nito sa TV shows at mall appearances ang kulang.

Ang bongga pa, no more additional requirements ang hiningi kay Carl kundi authorization letter na lamang at go for gold na ang pagkuha ng singer sa remaining talent fees niya.

Palakpakan na may kasamang maraming sigawan sa mga powers that be sa Kapamila network sa fas­ter than a speeding bullet nilang pagsagot at pagbibigay solusyon sa problema ni Carl.

Sa mga guardians naman ni Montecido, alagaan niyong mabuti ang sala­ping ibibigay sa singer. Kung kalakihan pa talaga ito, magtabi for the rainy days at huwag sagarin agad ang pag gamit rito.

Blood, sweat, tears at talent ang pinuhunan ni Carl para makamit ang perang iyan kaya a­yusin ang paggamit rito.

Dasal ko na more ­singing gigs and opportunities pa ang maibigay kay Montecido para mas bumongga at maging masagana pa ang kanyang buhay sa kasalukuyan at mas secure ang kanyang hinaharap.

Paulo walang paki sa pagbubuntis ni LJ

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Paulo Avelino, nga­yong si LJ Reyes, nanay ng unico hijo niyang si Ethan Akio, ay nagdadalantao muli?

Si Paolo Contis ang tatay ng magiging anak ni LJ. May anak rin si Contis sa dati niyang asawang si Lian Paz.

Si Paz kung saan may mga anak na babae si Contis, may major, major reaction rin kaya? O wala na rin siyang pakialam dahil matagal na nga namang hiwalay ang de-kolor at puti nila ni Paolo?

Si Avelino kaya, sino talaga ang babaeng magpapatibok muli sa kanyang puso? Sino kaya ang kanyang pupunlayan sa malapit na hinaharap para muling magkaanak?

Ang panahon ni Paulo ngayon ay nakatuon sa Goyo: Ang Batang Hene­ral. Acid test ito para sa kanya bilang aktor, pati na rin sa kakayahan niyang marahuyo ang mga taong pumunta sa mga sinehan at panoorin ang kaniyang pelikula.

Iba siyempre ang magi­ging reaksyon rito ng mga historian. Ang mga kritiko, tiyak na iba ang pakiwari sa Goyo. Ang pinaka-importanteng reaksyon siyempre, sa balana, dabarkads at madlang pipol. Dapat sila ang makumbinsing panoorin ang pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino.