Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong pumiyok sa ober da bakod nina Lloydie, Pokwang

0 36

Nagbigay na ng pahayag si Dingdong Dantes hinggil sa napapabalitang pagpasok niya sa politika ngayong 2022 elections.

Maingay na maingay kasi ngayon ang espekulasyon na tatakbo siya for public office na lagi na lang nagiging issue sa kanya tuwing sumasapit ang eleksyon.

DANTES WALANG PLANO SA ELEKSYON

“Wala po, wala po akong plano,” maikli niyang sagot sa virtual media conference niya kahapon.

When asked kung totoong marami ang kumukumbinsi sa kanya na tumakbo, aniya ay wala rin daw.

Natanong din kung paano nila ito napag-uusapan ng misis niyang si Marian Rivera, sagot niya ay hindi raw nila ito napag-uusapan dahil wala naman daw any plans talaga na tumakbo.

Nagbigay rin ng reaksyon si Dingdong sa mga lumipat na Kapamilya stars gaya nina John Lloyd Cruz, Pokwang sa GMA-7. Aniya ay pawang magagaling daw ang mga ito’t sana nga raw ay mai-guest niya rin sa kanyang show para malaman din ang ‘green side’ ng mga ito.
Naibalita rin ng aktor na handa na raw siyang sumabak muli sa lock-in taping.

“Gagawa sana ako ng I Can See You episode pero na-cancel, so inaayos namin na matuloy siya very, very soon. And definitely, oo, ‘yung sa mga lock-in tapings, ano tayo diyan, we’re very, very prepared,” sey niya.

Aminado siyang nami-miss na rin niya ang mag-taping dahil ang huli pa raw niyang ginawa ay ‘Descendants of the Sun’ kung saan ay naranasan niya first time ang lock-in taping.

“Ang daming mga learnings from that experience at ngayon, alam kong maa-apply ko siya,” sey niya

@@@

Derek, Ellen nagkatikiman nang mag-on na

Ayon kay Derek Ramsay, dumating daw si Ellen Adarna sa buhay niya na hindi siya naghahanap ng karelasyon since kagagaling nga lang niya sa break-up that time.

“I just came from a relationship, so I was like no, my mindset was like I have goals for the next 2 years, this I what I wanna do, this is what I’m gonna focus on, and then, bam!” ani Derek sa panayam nila ni Ellen with Dra. Vicky Belo para sa YouTube vlog nito.

As we all know ay naging napakabilis ng pangyayari kina Derek at Ellen. Nagkakilala sila ng January sa pamamagitan ng hinost niyang dinner a February ay naging sila na.

Pero kung akala raw ng iba na may nangyari na sa kanila bago pa man maging sila, ayon sa dalawa ay hindi raw ito ang case.

“Nothing happened for us, not even until naging kami,” ani Derek.

“It was a wholesome,” sabi naman ni Ellen.

Sa loob ng isang buwan na hindi pa sila, ayon kay Derek ay nirespeto niya si Ellen.

“There was something kasi she told me that night. ‘If this ever happens, it has to be when I’m sober so that I can feel the energy.’ She wasn’t sober. And all the other times when we were hanging out, it’s like, I wanted to respect her, I wanted to know where this was going.

“And then there was this one time, I took her home, and I said, okay, this is the night I think at least I’ll get a kiss,” sey ni Derek.

Sabi naman ni Ellen, siya raw ang nag-kiss kay Derek at matagal pa raw niyang inisip ‘yun.

“Ang tagal kong inisip. Parang, okay, should I kiss him? Okay, ito na. And then natawa na ‘ko sa sarili ko.

“Why am I thinking about this? Why am I stressing about this? So finally, I decide to kiss him, and then natawa na ako sa sarili ko,” kwento ni Ellen.

Maraming beses na ring naikuwento nina Ellen and Derek na hindi nga maganda ang naging first kiss nila.

“She kissed me, but not with her lips, she used her teeth. She jammed her teeth into my face,” muling pagbabalik-tanaw ni Derek.

Sa buong panayam ay makikita kung gaano ka-happy sina Derek at Ellen. Panay ang tawanan nila especially kapag nire-reminisce nila kung paano sila nagsimula pati na rin ang mga small details na nangyayari sa kanila everyday.

Leave A Reply

Your email address will not be published.