Abante Tonite Interactive

Dingdong, Richard kasado na kay Ganda

By
4,515

Mas mabait at regular na ngayong mine-mention ni Vice Ganda si Coco Martin at ang teleserye nitong ‘Ang Probinsyano’ sa ‘It’s Showtime’.

Dati-rati kasi ay inookray ito ni Vice lalo pa’t hindi nga mamatay-matay sa kuwento ng series si Cardo. Madalas niyang gawing pulutan sa mga spiel niya ‘Ang Probinsyano’ lalo na kapag kaeklayan niya si Jhong Hilario na kontrabida rin sa series.

Pero nitong napag-uusapan ang MMFF 2018 at nang biglang naging consistent ang pamamayagpag sa ratings ng ‘Ang Probinsyano,’ pumreno bigla at naging mabait si Vice.

Abante Hiring – IT dep

Mas positive na ang reaction nito at panay-panay na rin ang papuri niya kay Coco, thus eliminating the issue na meron nga silang ‘silent feud’.

Kahit nga sa storycon ng MMFF entry niya kung saan nakakasa nang kasama sina Richard­ Gutierrez at Dingdong Dantes, mine-mention ni Vice na ‘healhty at friendly’ competition ang magiging labanan nila ni Coco and company sa MMFF.

Ang tanong tuloy ng marami, anyare? Bakit biglang bumait daw? O baka nga isa sa mga strategy niya ito?

Hunk actor napraning nang maubusan ng mouthwash

Speaking of strategy, kakaiba naman ang style nitong si hunk actor pagdating sa kanyang hygiene.

Talaga raw maingat ito at laging ready lalo pa’t madalas siyang may kis­sing scene sa mga roles niya.

One time daw na nag-shoot sila sa isang island in the province, inabutan sila ng bad weather. Naubusan din siya ng mouthwash. Talaga raw halos mapraning si hunk actor.

Eh hindi raw uso sa mga maliliit na sari-sari stores ang mouthwash kaya nu’ng na-timing na may kukunang kissing scene, hala, nagpaka-boy scout si hunk actor.

Literal daw itong nag­timpla ng pinaghalong sabon, shampoo sa tubig na may asin, yun ang ginawa niyang mouthwash.

At bago pa nga raw kinunan ang naturang scene, talagang bumubula ang bibig nito hahahaha!

Paano raw kasi, pati pala yung leading lady na kahalikan niya eh lumaklak din ng tinimpla niyang solution dahil nahiya din daw ito lalo pa’t naubusan din ito ng mouthwash.

Ang mouthwash bow hahahahahaha!!!