Abante Tonite Interactive

Dingdong ‘supporter’ lang ang suot

1,161

Palakpakan na may kasamang sigawan para sa nakaisip sa paandar na DDS, na attributed kay Dingdong Dantes. Super witty ang may pakana nito na ang ibig sabihin ay Dindong Dantes supporter at ang larawang kasama ay ang jock strap na palagiang ginagamit ng mga lalaking haling na haling sa strenuous sports and weightlifting activities.

Ang bongga pa sa DDS, na alam naman nating proteksyon para sa male family jewels, ang nag-disensyo na dapat ay para kay Jose Sixto, in sexy black. Kaya ang sangkabekihan, siyempre pa kasama sa listahan ang mga men who have sex with other men, wishing, hoping and praying na one of these days, magpa-pictorial nga ang mister ni Mrs. Marian Rivera-Dantes na tanging black jock strap lamang ang saplot.

Sa true lang, fit na fit ang pangangatawan ni Ginoong Dantes sa kasalukuyan dahil nga sundalong matulis at matapang ang kanyang katauhan sa primetime na drama na siya ang alpha male. Kaya hindi na kataka-taka na pati na rin ang mga babaing may ugaling pambakla, at mga bading na naging babae na dahil sa agham, ang masilayan si Dantes na supporter lamang ang suot ay talagang nagpapatirik sa kanilang mga mata.Aakalain mo kukumbulsyunin ang mga hitad ‘yun pala nai-elya lamang. Ang haharot. Ang dudumi! Charot! Hahahaha!

Ang mas savage, ang mas eksaherada ang imahinasyon na gustong maamoy at masinghot ang aroma pag bagong hubo ni Dong ang DDS niya. Ano nga kaya ang samyo nito? Amoy hinog na bayabas? Itlog na pulang kapag biniyak mo nagmamantika na ? O fish balls na kapag mas maantot mas masarap daw ang lasa kaya panalo na you make tusok-tusok and sawsaw sa vinegar na maanghang?

Naging underwear brand ambassador si Dingdong Dantes. Tinagurian na ring one of the world’s sexiest men dati kaya kung may mag-offer nga kaya sa kanyang ipagmalaki ang kanyang DDS, ang Dingdong Dantes supporter, hindi kaya mahirap i-conceal ang kanyang weapon sa jockstrap na medyo masikip?

Mocha dapat bigyan ng subpoena

Bagamat nagpaumanhin si Mocha Uson sa paggamit sa isang larawan sa kanyang blog kung saan ang kanyang claim ay sangrekwang PPEs na ang naipamahagi ng gobyerno .May iba pa siyang dinidiin sa pangyayari. Marami ang nagmumunkahi at inilalambing sa mga kampon ng poon at mga Pulis Pangkalawakan, na tama na panahon na para ipa-subpoena ito.

Marami ang nagsasabi na kung ang may mga LGU head at iba pang mga tao na pinapakita at pinadadama ang kanilang malasakit, tulong at pagmamahal sa kapwa Pilipino ay binubuwisit ng mga nagmamagaling, eh bakit ang hindi kahusayan at kagalingang babaing ito ang patikimin ng kanilang bagsik at resolve? Naku ha, malaki na naman ba ang posibilidad na “compassion” ang igagawad sa kanya lalo na nga’t nagpaumanhin na ito?

Sa true lang, marami-rami na ring mga balitang hindi totoo na pinapalabas niyang katotohanan na naglagay sa gobyerno nacional sa alanganin pero bakit nga ba wala pa ring sumuseheto kay Bb. Uson ?

Ano ba ang taglay niyang kakaiba at pambihira? Sana man lang, husayan niya muna ang kanyang pananaliksik .Tiyaking tama ang kanyang mga impormasyon at larawang ginagamit para sa kanyang blog lalo na nga’t sa panahon at pagkakataong ito, hindi natin kailangan ang propaganda.

Ang kailangan natin tamang pagbabalita, tamang impormasyon na mabibigay kaalaman at kapanatagan ng damdamin ng mga makakabasa.

Iyong pag nabasa mo, ikalulugod mo dahil tama at hindi best in drawing, hindi pinaglalaruan ang iyong pagiging gullible.

Dahil nga may pangmalakasang panawagan na ihabla si Margaux dahil nilabag umano nito ang Republic Act 11469/ Bayanihan Act .Patuloy umano siyang nagpapakalat ng mga haka-haka at di totoong balita .

May pagbabanta pa nga mula kay Presidente Duterte na: “Kung mag-fake news kayo, mumurahin ko kayo araw-araw,” ano nga kaya ang susunod na kabanata sa kanya?

Kaabang-abang kung saan mapupunta si Mocha Uson, hindi ba naman?

Tonite – Wendys Inhouse Ad