Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dingdong takot rumaket

0 420

Aminado si Dingdong Dantes na sa panahon ngayon ng pandemic ay marami siyang considerations sa pagtanggap ng project lalo na nga’t may pamilya siya.

Of course, aniya, ang pinaka-una niyang sinisiguro ay ang safety at masuwerte raw siya na sa show niyang ‘Amazing Earth’ ay nasusunod naman ito.

“Masuwerte ako na ‘yung show namin ang isa sa unang bumalik, dahil ‘yung nature naman nu’ng aming production ay kumbaga very, very safe in terms of how to execute it. Because parati kaming outdoor, tapos kaunti lang kami. So mabuti na lang ganu’n. At dahil du’n, kami ‘yung isa sa unang pinayagang bumalik. Bukod of course, sa News and Pubic Affairs na talaga kahit anong mangyari nandiyan 24/7,” pahayag ni Dong sa The Howie Severino Podcast.

“Definitely, factor for consideration ‘yung safety. Siyempre mayroon akong mga bata sa bahay. Ayaw mo naman na magbitbit ka ng kung anon’g virus sa labas at ipasok mo sa tahanan mo.

“Pero siyempre when you talk about ‘yung safety, there are two levels of how you would want to question and approach it, kung paano mo ii-implement ‘yun sa sarili mo at kukuwestiyunin mo rin kung paano in-implement ng workspace mo ‘yung safety na ‘yun,” dagdag ng aktor.

Of course, siya raw ay talagang sinusunod niya ang safety protocols sa set at talagang mini-maintain niya ang social distancing.

Ang risky part daw sa kanyang trabaho ay hindi maiwasan ang pagtatanggal ng mask kapag gumigiling na ang camera. Although may testing naman lahat sila ng mga kasama niya, but still ay nakakatakot pa rin.

Naikwento nga niyang nang mag-lockdown taping sila sa Descendants of the Sun ay hindi pa raw siya talaga umuwi muna sa kanila even after matapos na ang taping.

“Mayroon kaming time nu’ng tinapos namin ‘yung ‘Descendants of the Sun,’ kahit na after nu’ng shooting hindi muna ako umuwi for mga 5, 6 days para lang sigurado ako na walang akong nabitbit na kahit anong virus pauwi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So may mga ganu’n. ‘Yun ang sinasabi ko, on the personal level, you can really have your own restrictions and sarili mong sistema para mas masiguro ‘yung safety ng pamilya mo at ng sarili mo,” sey ni Dong.

Kylie iniwan si Jake

Panay ang post lately ni Kylie Versoza ng kanyang mga bikini photos habang nasa Siargao. Tila mahigit isang linggo na nga siyang nasa nasabing tourist destination base na rin sa kanyang mga post.
Talagang rampa kung rampa ang former beauty queen ng kanyang iba’t ibang sexy swimwear.

Sa isang post niya kung saan ay naka-one piece black swimwear siya, aniya sa caption, “the island took me and said never look back.”

Sa isang larawan naman ay makikitang naka-blue sexy swimwear siya at caption niya, “blue without you.”

Mukhang boyfriend niyang si Jake Cuenca ang pinatutungkulan ni Kylie dahil tila hindi niya ito kasama sa Siargao. Mukhang iniwan niya ito sa Maynila.

Panay naman ang comment at react ng heart eyes emoji ni Jake sa mga sexy photos ng GF.

Sa post ni Kylie na naka-1 piece sexy black swimsuit siya ay nag-comment si Jake ng “Wow” with heart eyes emoji.

Sumagot naman si Kylie ng “@juancarloscuenca I miss you boo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.