Abante Tonite Interactive

Dingdong umalma sa halik ni Digong

By
2,264

Bukod kay Agot Isidro, tinututulan din ni Dingdong Dantes ang naging pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian kung saan ay ikinumpara nito sa trabaho ng mga artista ang gina­wang paghalik sa labi ni Pres. Rodrigo Duterte sa isang OFW sa South Korea.

Pahayag kasi ni Sen. Gatchalian, “May mga artista na may asawa, but they also have kissing­ scenes in their movies, TV shows. So, I think, as long as it’s kept professional and there’s an understanding­ between the partners, siguro pwede nila gawin ‘yun.”

Sa tweet ni dating National Youth Commission Commissioner na si Perci Cendana sumagot si Dingdong.

Tweet ni dating NYC Commissioner patungkol sa pahayag ni Sen. Gatchalian, “Sir, sorry po. Hindi ko po talaga ma-gets. Paki-explain po, paano po ‘yung kiss “done in a professional way?”

Dito nag-reply si Dong at nagsabi ng kanyang opinyon.

“Ngayon ko lang nakita. Kaming mga artista ay gumaganap ng isang karakter. Minsan nga puwede kaming umayaw kung di namin trip dahil kani-kaniyang values at interpretation yan. Di porket sinabi ng direktor at script na talon ay tatalon ka na,” tweet-reply ni Dong.

Patuloy pa ng aktor, “As actors, we are accountable to our viewers, our producers and the manner of delivering the story. Aba’y ibang usapan yan kapag public official ka. Kaya’t huwag dapat ihambing gamit ang ganiyang argumento.”

Marami ang pumuri kay Dingdong sa kanyang opinyon although meron din namang mangilan-ngilan na nang-bash sa kanya na obiously ay PRO-Duterte. May netizen din na nagkomento na sana raw ay mas marami pang artista ang magsalita tungkol dito since mga artista nga ang pinagkumparahan ng senador.

Bagong movie outfit ni Baby Go inilunsad

May bagong tatag na film oufit ang producer na si Baby Go ng BG Productions International. Ito ay ang Global Film Productions International na iba naman daw kaysa sa naunang produksyon.

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, kung ang BG Productions ay nagki-cater sa mga award-winning movie na nilalaban sa festival abroad, ang bagong produksyon ay mas magpo-focus naman sa mainstream films. In other words, mas pang-masa.

Kaya hindi pa rin naman daw mawawala ang BG at ang dami pa nga raw naka-line-up na pelikula ang produksyon. As for Global Film Productions, kasalukuyan pa lang pinaplano ang mga gagawin nilang pelikula under the new productions.

Bukod sa bagong production company, ipinakilala rin ang mga bagong talent ng production ni Ms. Go. Kabilang dito sina Angelo Mamay na former Starstruck finalist and host of Walang Tulugan, Jasmine Henry na half-Australian and potential beauty queen, ang child star na si Celine Juan na introducing sa School Service, ang young singer na si Renz Buster at Ladi Diana na puwedeng maging mahusay na character actress at si Rhea Usares.

Bukod dito ay ipinakilala rin sa press ang Calderon sisters na sina Wynona (18), Woersh (15), Walline (14), Welcy (10) and Winter (7) bilang bagong mga talent ng produksyon.

Ayon sa lady producer, ang mga nabanggit daw na exclusive talents nila ang magiging priority ng produksyon sa mga pelikula nilang ipo-produce.