Abante Tonite Interactive

Dingdong, umaming bihira na silang magkita ni Marian

By
Marian Rivera at Dingdong Dantes
16

Noong isang gabi sa ­episode ng primetime series na Alyas Robin Hood, nagkaroon na naman ng showdown sa pagitan ng dalawang leading ladies ni Dingdong Dantes na sina Andrea Torres at Solenn Heussaff.

Sabihin na nating karak­ter lang nila ‘yun, pero, mahirap nga ba o masarap sa ego para sa isang lalaki kapag pinag-aagawan ng dalawang magaganda at nagseseksihang babae?

Sabi ni Dingdong, “Oo e, ganu’n pala talaga ‘yun. Hindi ko kasi na-experience sa totoong buhay. At least man lang kahit sa…”

Abante Hiring – IT dep

Pero tawanan ang press dahil parang walang naniwala sa statement niya na hindi niya ‘yun naranasan sa totoong buhay na pinag-aagawan siya ng dalawang magagandang babae.

Natatawang sabi pa rin ni Dingdong, “Hindi pala okey ang malagay sa ganu’ng sitwasyon. Kaya naiintindihan ko na ang ganu’ng mga taong nahihirapan!”

Hindi niya papasukin ang ganu’ng situwasyon na pag-aagawan siya ng dalawang magandang babae?

“Basta ‘wag lang sa siopawan! Hahaha!”

Ang ibig sabihin ni Dingdong dito ay ang naging showdown nina Andrea at Solenn ng dahil sa siopao.

Para naman kay Dingdong, kahit character lang, mas mahirap pa rin daw na gampanan ‘yung tulad ng ilang problema ni Pepe sa ARH na may namatayan, kailangan niyang sagipin ang barangay.

“‘Yung matters of the heart, hindi mo naman babalewalain ‘yun,” sey din niya.

Magkasunod ang primetime series nina­ Dingdong at Marian ngayon. Paano pa nga ba nila nababalanse o nagkakaroon ng oras sa isa’t isa at kay Zia?

“Malaking bagay ‘yung kailangan talaga­ may management sa oras. Kung ang trabaho niya­ M-W-F, kami rito, T-TH-S. Mapalad kami na ‘yung GMA, na-consider nila ‘yun. Siyempre, mahalaga rin sa kanila ang family at naiisip din nila na dapat, may naiiwan din sa bahay.”

Sa ngayon, bihira raw talaga silang magkita ni Marian dahil araw-araw nga siyang may trabaho. Pero ang Sunday daw, hangga’t maari ay family­ time nilang tatlo ni Zia.

“Hangga’t maaari, sinisiguro namin na magkakasama kami.  And ano naman ‘yan, hindi naman permanent ang ganitong trabaho. Isang project ‘yan, one of many magmula noong nagsimula kami. Inisip na lang namin na everything is for the future of our family.”

Nagkataon lang din daw na parehong Super Heroes ang ginagampa­nan nilang dalawa ngayon ni Marian sa primetime ng GMA 7 pero hindi naman daw ‘yun sinadya talaga.

Aminado naman si Dingdong na marami rin ang nabago sa kanila mula nang ikasal at magkaroon na sila ng anak.

“Siyempre iba nga­yon. Nagbago lahat nu’ng kinasal, nagkaroon ng baby. Talagang complete change, 360 degrees at mas nakabuti para sa lahat, para sa amin.”

Mas solid at mas kampante sila ngayon?
“Oo, ‘yun talaga, so­lid ‘yun,” sey niya.

Napaisip naman si Dingdong nang tanungin namin kung siya ba bilang lalaki o Mister, nakararamdam din ng selos.

“Ako? Hindi ko alam. Buti tinanong mo. Matanong ko nga rin ang sarili ko. Hahaha!
“Last I checked, parang wala pa naman,” nakangiti niyang sabi.

Nag-aaway pa rin ba sila ni Marian, may mga tampuhan kahit sa maliliit na bagay?
“Sa dalas naming hindi magkita? Hahaha! Parang hindi. Pero matagal ng hindi.”