Abante Tonite Interactive

Dingdong umiling sa pagtakbong senator

By
2,322

Palaging inuusisa si Dingdong Dantes tungkol sa plano nitong pagpasok sa pulitika. Ang sabi-sabi ay tatakbong senador si Dong sa 2019 local elections. May balita rin na congressman ang tatakbu­hing posisyon ni Dong sa isang distrito ng QC.

Sa mediacon ng Sid & Aya ay hindi ito direktang sinagot ng Kapuso actor. Medyo umiling lang siya habang napapangiti sa nagtanong.

Tikom pa rin ang bibig ni Dong regarding his political plans, pero maugong ang balitang ito at tila may mga ginagawa na ring paghahan­da ang aktor sa bagong mundong papasukin niya.

Mas gustong pag-usapan ni Dong ang pelikula nila ni Anne. Aniya, ang misis niyang si Marian Rivera, nang makita pa lang ‘yung teaser ng Sid & Aya ay naintriga na kaagad.

Ang sabi nito, this is something different sa mga nagawa ni Dong. At alam daw ni Yan kung gaano niya kamahal ang paggawa ng pelikula kaya lagi itong nandu’n to support him.

Nang si Dong ang tanu­ngin namin kung anong ibig sabihin ng ‘very now’ na love scene nila ni Anne, natawa siya at hindi niya rin daw alam kung paano ito ie-explain.

Sa follow-up question namin kung ilan ang love scene nila ni Anne sa movie, ang sagot ni Dong ay panoorin na lang namin ang pelikula.

Insomniac ang karakter dito ni Dong na si Sid, na ayon sa kanya ay flawed at hindi mabuting tao.

Gustong ma-surprise ni Dong sa premiere night ng Sid & Aya kung anong kalalabasan ng ginawa nilang movie, na may mga eksenang kinunan sa Japan.

Sa Viva nag-umpisa si Dong 20 years ago at natuwa siyang nagkasama sila nga­yon ni Anne for the first time sa isang naiibang pelikula.

Aktres nainggit sa baby ng DongYan?

Tinatawanan lang ni Anne Curtis ang mga tanong kung kailan ba sila magkaka-baby ng husband niyang si Erwan Heussaff.

“Basta, ine-enjoy ko na lang po lahat ng ginagawa ko ngayon. I’m just being passionate with everything that I do.

“And siguro, when the time comes that ibibigay sa akin ni Lord ang panahon na maging isang mommy, I’ll be even more passionate about that.

“I believe there’s a time for everything and that will come at the right time,” ang walang ka-pressure-pressure na sagot ni Anne sa mediacon ng movie nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya.

Bilang pareho na silang may asawa ng leading man niyang si Dingdong, minsan ay napag-uusapan daw nila ang kanilang mga married life.

Pinapakita pa sa kanya ni Dong ang pictures nito with wife Marian Rivera and their daughter Zia.

Hindi ba naiinggit si Anne na may Zia ang DongYan?

“Darating din naman ‘yon at the right time siguro para sa akin,” ang kaswal na sagot ni Anne nang naka-smile.

Sey ng Kapamilya actress, laging supportive ang mister niyang si Erwan sa mga ginagawa niyang pelikula at excited ito palagi sa story.

Nang first time nitong mapanood ang trailer ng Sid & Aya, ang sabi nito sa kanya ay iba ito sa mga nagawa niyang movies before, so excited si Erwan na mapanood ito.

May love scene sa movie ang DongAnne at sabi ni Anne, hindi ito ‘yung typical na atake sa mga love scene sa dramatic movies.

Ang description niya rito ay very now, very fresh at beautifully done by their director.

Nang ipa-explain namin sa kanya kung anong ibig sabihin ng love scene na ‘very now’, ang sabi ni Anne ay hindi ito super-dramatized at mas artsy ito.

In fairness ay wala raw restrictions kay Anne ang Fil-French hubby niyang si Erwan dahil naiintindihan nito at ina-admire nito ang arts.

Nilinaw ni Anne na ang karakter niya ritong si Aya ay hindi alien, hindi multo at hindi figment ng imagination ng karakter ni Dingdong.

Pero hindi raw ito love story tulad ng nasa tagline ng pelikula, but sure siyang maraming makaka-relate because it’s true na hindi porke may ‘I love you’, eh love story na.

Sa May 30 ang showing nationwide ng Sid & Aya sa direksyon ng blockbuster director ng Meet Me in St. Gallen at Camp Sawi na si Irene Emma Villamor.

Kapuso stars napa-wow sa kaseksihan ni Jennylyn

Maging kapuwa niya Kapuso stars ay impressed sa kaseksihan ni Jennylyn Mercado sa mga pa-swimsuit pic niya sa beach.

31st birthday ni Jen nu’n May 15. Magkasunod sila ng boyfie niyang si Dennis Trillo na nag-37 nu’ng May 12, kaya magkasama silang nag-short vacay sa Balesin.

Balik-taping na si Jen ng primetime series niyang The Cure, na patindi nang patindi ang mga kaganapan dahil sa pagdami ng mga na-infect ng Monkey Virus Disease.

Pasok ang The Cure sa Top 10 primetime series na nag-trend at pinag-usapan worldwide sa Twitter at Facebook, ayon sa Social Wit List ng World Screen nitong April 2018.