Abante Tonite Interactive

Dingdong walang alam sa MMFF movie nila ni Vice

By
2,232

Wala pang alam si Dingdong Dantes tungkol sa napapabalitang gagawin niyang pelikula for Metro Manila Film Festival under Star Cine­ma na pagsasamahan daw nila ni Vice Ganda.

Ayon sa isinulat ni katotong Allan Diones, The Greatest Syokla raw ang magiging titulo ng pelikula at inspired o spoof ng The Greatest Showman ni Hugh Jackman.

Nang makausap namin si Dong sa block screening­ ng movie nila ni Anne Curtis na ‘Sid & Aya (Not a Love Story)’ na sponsored ng management niyang PPL Entertainment, Inc, aniya ay ngayon lang daw niya nalaman ang tungkol dito.

“Ngayon ko lang din nalaman. That would be very interesting. Pero wala pa akong alam diyan,” pahayag ni Dong.

Actually ay hindi pa raw niya alam kung ano ang next movie niya pero ang alam niya ay ‘yung bago niyang show sa GMA-7, ang Ama­zing Earth na magsisimula na sa June 17.

“Pagkukuwento siya ng mga amazing na bagay tungkol sa ating planet Earth and ako, honored ako na ibinigay sa akin ng GMA ‘to dahil hindi lang siya kuwento ng kagandahan ng ating mundo, ng ating environment kung hindi, kuwento rin ng mga hayop sa kapaligiran natin, makikita natin how similar we are du’n sa mga nilalang­,” kwento ng aktor.

Samantala, sa kasaluku­yan ay na-achieve na ng Sid & Ayaw (Not a Love Story) ang 100 million mark sa loob ng 9 days na pagpapalabas nito sa mga sinehan. Ano ang masasabi niya na tinatawag siyang 100M-grosser-actor dahil ang mga pelikula niya ay consistent na nakaka-hit ng 100M pataas?

“Sa akin naman, very grateful ako dahil siguro, natitiyempo rin na magagadang projects ang napupunta sa akin. Eh siyempre, kung hindi naman io-offer ‘yun, hindi ko rin naman magagawa. So, salamat sa tiwala ng mga producers,” he said.
***

Dalawang singsing ni Ellen, bigay ng yumaong ama

Kahapon, for the first time buhat nang mamatay ang kanyang amang si Alan Adarna, nag-post si Ellen Adarna ng video sa kanyang Instagram Stories. Kahapon din ang nakatakdang libing ng yumaong ama.

Nag-post si Ellen ng apat na video kung saan ay may tumutugtog na choir na tila pag-alala sa kanyang ama sa memorial chapel.

Isang heart emo­ticon lang ang inilagay na caption ni Ellen.

Walang gaanong detalye sa pagkamatay ng ama ng aktres dahil nais daw ng pamil­ya na maging pribado ang kanilang pagdadalamhati. Maging ang boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz ay hindi rin nagpo-post ng anything related sa pagkamatay ng ama ng nobya.

Matatandaan ding nag-post si Ellen pagkatapos mamatay ng ama ng kanyang kamay na may suot na tatlong singsing sa daliri pero binura niya rin ito agad.

Ang dalawa sa mga singsing ay may malala­king diamante na diumano ay bigay daw ng kanyang ama.