Abante Tonite Interactive

Dingdong, walang panahon sa ‘Arrow’ ni Stephen Amell

154

POSITIVE pa rin si Dingdong Dantes at hindi apektado sa kontrobersya tungkol sa bagong Kapuso series niya na Alyas Robin Hood na sinasabing kinopya sa American TV series na Arrow.

Ayon kay Dong, grateful sila na may nag-share ng teaser ng kanilang show at natutuwa sila na ‘yung trabaho nila ay ipinakita sa mas maraming tao.

Nu’ng panahon na pumutok ang Arrow brouhaha, abala sila sa pagtapos ng week 1 & 2 ng Alyas Robin Hood, kaya lahat ng atensyon nila ay naka-focus doon.

Para sa Kapuso­ Primetime King, sa 18 years na gumagawa siya ng mga teleserye sa GMA, ganu’n din niya katagal ipinagkatiwala ang sarili niya sa Kapuso network sa mga progra­mang binibigay sa kanya.

Alam niyang lahat ng programa ng network ay dumadaan sa masu­sing pagsusuri, pagre-research at kakaibang creative team ang nasa likod ng mga ito, kaya confident at tiwala siya sa lahat ng binibigay na proyekto sa kanya. ‘Yun ang pinanghahawakan niya.

At bilang artista, ang obligasyon nila ay gampanan ang role na ibinigay sa kanila 100%.

Puwedeng may labis, pero hindi puwedeng kulang.

Ang totoo ay hindi pa raw nakakapanood si Dong ng Arrow na pinagbibidahan ni Stephen Amell.

Napako na raw kasi siya sa House of Cards at hanggang doon pa lang daw siya.

Sabi pa ng hunky Kapuso actor, kung dati ay mas nararamdaman niya ang pressure, ngayon ay mas kalmado na siya sa mga ganitong bagay at mas klaro ‘yung objective niya.

Bago kasi siya pumasok sa kahit anong bagay, gusto niya ay mali­nis ang lahat.

Naniniwala siya na they prepared very well for Alyas Robin Hood at kung saan man ito patu­ngo ay tatanggapin nila.

But they’re hoping for best results dahil at the end of the day, ginagawa nila ito lahat for the audience.

Tinanong namin si Dong kung na-offend siya doon sa gumawa ng poster ng Alyas Robin­ Hood na plakado sa Arrow­ samantalang hindi ‘yun ang totoong poster ng upcoming action-drama series niya sa GMA.

Sey ni Dong, malinaw na fan-made lang ‘yon, pero dapat siguro ay mas nagkaroon ng pagpo-police sa bagay na ‘yon dahil sa panahon ngayon ay madaling ikalat sa social media ang mga gano’n.

At aniya, ‘pag nakita ang logo ng network doon ay mapapaniwala ang ibang tao na totoo ‘yon.

“Klaro naman na hindi nanggaling sa GMA ‘yon. That it was fan-based. So, I’m not meddling with that issue, kasi hindi sa amin ‘yon.”

Masasabi ba niya na hindi siya worried kahit tila may mga nag-judge na kaagad sa show niya hindi pa man ito nagsisimulang umere?

“Hindi po, eh. Kasi, ‘yung dyinudge po nila is ‘yung teaser. At saka hindi ko rin naman ia-assume na dyinudge po talaga nila.

“Maaaring karamihan doon ay base sa hindi nila pagkakaalam sa kung ano talaga ang nangyayari.

“It’s also a wakeup call for all of us na even before we label something, we have to find out for ourselves ‘yung facts, ‘yung katotohanan at saka kung saan nagmula,­ para maunawaan natin,” malumanay na pahayag ni Dong.

Na-disappoint ba siya na ‘yung ibang tao are very quick to judge?

“Gaya nga ng sabi ko, it happens. Lalo na ngayon na marami tayong kanya-kanyang opinyon. We have more than 100 million different opinions, tayong mga Pilipino.

“What matters really­ is kung ano ‘yung hawak natin. Kami, ang hawak namin ay ‘yung programa at meron kaming opportunity na mag-entertain, mag-inspire at magbigay ng isang magandang kuwento,” sambit pa ni Dingdong na gumaganap bilang si Pepe de Jesus­ sa Alyas Robin Hood na magsisi­mula sa Septemer 19 sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.