Abante Tonite Interactive

Dinig ko ang ungol at halinghing nila ‘pag nagsi-sex

3,388

Una sa lahat ay bumabati muna ako ng magandang araw. Hindi ko na minsan matiis ang lambutsingan ng aking kapit-kuwarto at ng boyfriend niya kaya na­isipan kong isulat dito sa ‘Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo’. Baka sakaling mabasa nila ito dahil sobrang naiirita na ako.

Nagsimula akong mabuwi­sit mula nang dumating dito sa ­‘Pinas ang Indiyanong boyfriend ng kapit-kuwarto kong si Beth.

Palibhasa’y medyo bata pa si Beth at pareho silang sabik ng boyfriend niya kaya kung magkangkangan sila ay kumakalabog at dinig na dinig.

Magkasama kami ni Beth sa isang bahay na parang ­duplex style.

May mga sarili naman kaming kusina, banyo at kuwarto pero dahil dingding lang halos ang aming pagitan ay dinig na dinig ko ang mga ungol at halinghing nila sa kuwarto ‘pag nadidikit ang tenga ko sa lawanit.

Dahil may katabaan ang dyowa niyang Indian, pati kama nila ay parang lumalangitngit.

Wala silang pakialam marinig ko man sila basta’t makaraos lang sila.

Ako pa nga ang nahihiya dahil hindi pa man sila mag-asawa ay parang walang puknat na kung sila’y mag-sex.

Hinihintay ko na lang na isang araw ay lumobo na ang tiyan ng aking ‘roommate’.

Malou ng Caloocan

***

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-­hanga, nakakatuwa, nakakaasar o kapana-panabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.