Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dinisplay sa FB, kinarnap na motor nabawi

0 285

Dahil pinost sa Facebook, target ng Cavite police ang pagkakakilanlan sa taong pinagbilhan ng isang nakaw na motorsilo matapos arestuhin ang tatlong lalaking nag-post sa social media sa binibentang motorsiklo na nakaw pala at nakilala ng nagmamay-ari nito sa Indang Cavite.

Unang sinampahan ng kasong Anti-Fencing Law sina Aries Poblete, 33; Miggie at Sherwin, kapwa 17-anyos at estudyante dahil sa reklamo ni Louis Matthew Ambita, 21, ng Indang Cavite .

Sa reklamo ni Ambita kay PSMSgt Arnel Julian, ng Indang Municipal Police Station, nakita niya sa Facebook ang nawawala nitong motorsiklo na ibinebenta kaya humingi ito ng tulong.

Nagkunwaring interesado si Ambita na bibilhin kaya nagkasundong magkita sa Indang Public Market, Poblacion 4.

Dito inaresto ang tatlo matapos magpakita ng dokumento na pagmamay-ari ng biktima ang motorsiklo na tumugma naman sa deskrpsiyon at engine nito.

Sa record ng pulisya, tinangay ang motorsiklo ni Ambita noong June 28, 2020.

Depensa naman ng tatlo, nabili nila ang nasabing motorsiklo sa isang seller sa halagang P8,000 at pinaganda ito upang ibenta at kumita kaya nila ito pinost sa FB.

Pinaniwalaan ng husgado ang depensa ng mga suspek pero nakipagtulungan ang mga ito sa pulisya para matunton ang pinagbilhan nila. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.