Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diokno gigil buksan mga minahang pinasara ni Lopez

0 271

Nais ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na buksan na ang mga minahang ipinasara ng yumaong si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez dahil malaki aniya ang kikitain sa pagmimina ng ginto na mahal ngayon sa world market.

“Dapat i-encourage na natin ang mining. Buksan na natin. Maraming sinarang mining companies, sino nang pangalan nito, si Gina Lopez. I think it’s about time na buksan na natin ang mines,” sabi ni Diokno sa panayam sa mga congressman noong nakaraang linggo.

Nabatid na sa katapusan ng 2019, nasa $8 bilyon ang hawak na ginto ng BSP na nasa gross international reserves na umabot sa $87.8 bilyon.

Noong buong 2019, nasa P26.6 bilyon ang kontribusyon ng pagmimina ng ginto, pilak at iba pang mahalagang metal sa ekonomiya ng bansa.

Sa first quarter ngayong 2020, nasa P6.7 bilyon na ang kontribusyon ng pagmimina sa ekonomiya.

Ayon kay Diokno, humina ang bentahan ng ginto sa Pilipinas nang hinabol sila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa buwis. Subalit nang isabatas aniya ang pagtanggal ng value-added tax sa mining industry ay muling sumigla ang bentahan ng ginto sa bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.