Abante Tonite Interactive

Diokno itinuring na ‘Teachers’ Enemy No. 1’

By
1,587

Tinaguriang ‘Teacher’s Enemy No. 1’ ng Alliance of Concerned Teachers si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Ito’y kasunod ng pahayag ng pinuno ng DBM na ang panukalang pagdoble sa suweldo ng mga guro ng pampublikong eskuwelahan ay hindi prayoridad ng ahensiya.

Umaasa si ACT Teachers Representative France Castro na babawiin ng kalihim ang diumano’y ‘anti-teacher’ na pahayag at susuportahan ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na mapagkalooban ng pay hike ang public school teachers.

“It is only just that the administration immediately­ grant the well-deserved substantial salary increase for public school teachers and to set the minimum wage for govern­ment employees to P16,000. It is the government’s responsibility to ensure that its employees’ compensation increases as the cost of living rises,” pahayag ni Castro.

Ipinaliwanag ng kongresista na balewala ang pagpapababa ng singilin sa personal income tax dahil itinaas naman ang buwis ng mga pangunahing bilihin at serbisyo alinsunod sa Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN) Law.