Abante Tonite Interactive

Dion Ignacio, iiputan

135

PATULOY na umiigting ang mga ganap sa telefantasyang Magkaibang Mundo.

Walang humpay ang pagpapakahitad ni Noreen (Gina Alajar) sa mag-inang Amanda (Assunta de Rossi) at Pepay (Louise de los Reyes).

Ibibigay ni Noreen kay Jeffrey (Dion Ignacio) ang litrato ni Amanda.

Bago makita ni Jeffrey ang picture, iiputan siya ng mga ibon.

***

Handang tumulong ang Super Radyo DZBB 594 khZ (flagship AM station ng GMA Network) sa mga Kapusong naghahanap ng trabaho o nais magtayo ng sarili nilang negosyo sa ikalawang DZBB Trabaho ­Negosyo Fair.

Gaganapin ito nga­yon at bukas (July 19 at 20) nang 10:00 AM-6:00 PM sa 4th Floor ng Star Mall Alabang.

Magkakaroon din ng libreng Negosyo Seminar sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry at UP Institute for Small Scale Industries (UP ISSI).

May help desk para sa mga nais kumonsulta sa SSS, Pag-IBIG Fund, PhilHealth, BIR, PSA, BPLO Muntinlupa at UP ISSI.