Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dionisio rumaket, nagbenta ng paputok

0 155

DAHIL naka-holiday break muna ang PBA, may sariling oras ang mga manlalaro kasama ang kanilang pamilya, ang Magnolia Hotshots shooter na si Aris Dionio at ginamit ang libreng oras sa pagbebenta ng paputok.

Nag-post ito ng larawan sa kanyang social media at pabirong nagmamakaawa na bilhin na ang kanyang mga paninda na nakapuwesto sa Baliuag, Bulacan.

“Ito na lang po tinda ko. Parang awa nyo na ubusin nyo na po,” banat ni Dionisio.

Ang kakampi naman nito sa Hotshots na si Paul Lee ay nagkomento sa larawan nito.

“Daan ako diyan mamaya bibili ako,” hirit ni ‘Lee-thal Weapon’ .

Maging si Jackson Corpuz ay nagkomento rin, “daan ako d’yan bili ako Ris.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.